CAMP DANGWA, Benguet – Sa pina-igting na kampanya para isulong ang kapayapaan ay naging sentro ng Benguet Provincial Police Office ang paghimok sa mga rebeldeng New People’s Army ang pagbabalik-loob sa pamahalaan at harapin ang pagbabagongbuhay.
Sa ulat ni Police Colonel Elmer Ragay, provincial director kay Police BGen.R’win Pagkalinawan,regional director ng Police Regional Office-Cordillera, sa nakalipas na araw ay anim na rebeldeng NPA ang kusang-loob na sumuko mismo sa Benguet PPO.
Ayon kay Ragay, “Ang kusang-loob na pagsuko ng mga rebelde at isang hudyat na dapat ng maisulong ang matagal ng kinakampanyang kapayaan, hindi lamang sa ating rehiyon kundi sa buong bansa.
Nakahanda ang gobyerno na tulungan sila para sa kanilang pagbabagong-buhay.”
Sumuko noong Hulyo 23 sa Camp Dennis Molintas, Buguias,Benguet sina Ka Nardo,40, residente ng La Trinidad, Benguet at tubong Bauko Mountain Provincea at Ka Darang,31, ng Besao,Mt.Province, na kapuwa miyembro ng Leonard Pacsi Command/KLG MARCO ICRC at Marcial Daggay Command KLG Baggas.
Si Ka Nardo na nagsilbing squad team leader ay nagsuko ng kanyang armas na isang US M1 Garand Rifle with serial number 4557029 with 1 ammo clip and 8 ammunitions, samantalang si Ka Darang ay isinuko nito ang kanyang homemade carbine with four rounds 7.62 ammunition.
Noong Hulyo 15, sina Alyas Boyet, 32, ng Leonardo Pacsi Command under KLG Marco at Alyas Abe, 43, ng Lejo Cawilan Command under KLG Baggas, kapuwa residente ng Basao, Tinglayan, Kalinga, ay sumuko sa Benguet PPO, Camp Dangwa, La Trinidad,Benguet.
Isinuko nila ang kanilang armas na M14 Rifle (Cal. 7.62mm) with erased Serial Number at isang magazine loaded with 12 ammunitions, Cal. 45 pistol bearing SN 820445 with one Magazine loaded na may pitong bala.
Ang KLG Marco ay nagooperate sa mga bayan ng Tinglayan, kalinga Province, Bontoc at Sadanga, Mt. Province, samantalang ang KLG Baggas ay may operasyon sa bayan ng Tinglayan, Lubuagan, Pasil, upper Tabuk City of Kalinga.
Nauna rito ay dalawang miyembro ng Leonard Pacsi Command ang sumuko din sa Benguet PPO na sina Ka Shina, a designated Medics ng grupo at Alyas Digma, designated as Team. Ang grupo ay nag-ooperate sa mga bayan ng Bontoc, Sagada, Bauko and Tadian Mt Province.
Ayon kay Ragay, ang matagumpay na pakikipag-negosasyon sa paghimok sa mga rebelde na harapin ang tunay na kapayapaan ay isinagawa ng mga tauhan ng intelligence operatives sa pangunguna ni Police Col. Rene Pasiwen.
Zaldy Comanda/ABN
July 25, 2020
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025