PANGASINAN – Nasa 60, 222 frontline healthcare workers sa Ilocos Region ang lubos nang nabakunahan laban sa coronavirue disease 2019 (COVID-19) hanggang Hunyo 29, ito ang sinabi ng Department of Health Center for Health Development regional office (DOH-CHD-1).
Sa iang virtual presser na pinangunahan ng Philippine Information Agency Ilocos regional office noong Martes (Hunyo 29), sinabi ni DOHCHD-1 Covid-19 focal person Dr. Rheuel Bobis na nasa 84,591 frontline healthcare workers ang nabakunahan ng kanilang
first dose ng Covid-19 vaccine.
“Some 7,569 overseas Filipino workers and immediate family members of healthcare workers under (the) expanded A1 population were inoculated with the first dose of the vaccines,” aniya.
Sinabi ni Bobis na may 110,176 senior citizens sa rehiyon ang nabakuhahan ng kanilang unang dose at 17,333 ang lubos nang nabakunahan sa ilalim ng A2 category.
Sinabi niya na sa ilalim ng A3 category o mga taong may comorbidity, nasa 44,551 ang nabakunahan ng unang dose at 1,691 ang nakatanggap ng kanilang ikalawang dose.
(HA-PNA/PMCJr.-ABN)
July 5, 2021
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025