BAGUIO CITY
Ipinahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na umabot na sa 60 na porsiyento ng mga vendor sa Baguio City Public Market ang nag-avail sa platform na digital payment na transaksyon na isinusulong ng BSP ang PalengQR plus. Ayon kay BSP North Luzon bank officer Rodora Teresa Opiniano sinabi niya na ang nasabing porsiyento ay base sa estimate ng mga vendor /Tindera na nag-apply sa nasabing PalengQR plus na kung saan ay trending na sa panahon ngayon ang “cashless transaction” .
Sinabi pa ni Opiniano na ang dating PalengQR ay minabuting bigyan ng expansion sa kadahilanang ang BSP ay kasalukuyang isinasagawa ang pakikipagugnayan sa iba pang sector gaya ng transport , cooperatives at iba pa na tumalima sa nasabing digital transaction upang hindi na magdala ng malaking halaga ang bawat isa kundi ang “Cashless” na transaksyon na lamang. Inaasahan ng BSP na madadagdagan pa ang bilang ng mga vendor na tatanggap sa digital transaction sa mga darating na panahon kapag nalaman nila na mas madali at mas magaan ang cashless transaction sa pagbili ng mga produkto nila mula sa mga consumer.
Ayon pa kay Opiniano “ , digital transactions are safe because of the safeguards and frameworks put in place by the financial service providers complimented by the stringent regulations imposed by the BSP for these providers to operate said transactions, thus, people should already start using
digital payment transactions and experience the convenience of the cashless transactions”. Una dito ang lokal na pamahalaan ng Baguio ay nagbigay ng 2.5 na discount sa mga business taxes na
ibinabayad ng mga vendor na gumagamit ng digital transaction mula sa kanilang mga produkto sa mga stall nila sa palengke.
Inaasahan ni Opiniano na mas marami pa ang kanilang mabibigyan ng pagkakataon na mag-avail ng digital transaction na gamit ang PalengQR plus sa mga darating na panahon dahil sa mas mainam ito na proseso ang “cashless: na transaksyon.
Dexter A.See/ABN
November 4, 2023
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024