63 WANTED PERSON NALAMBAT SA MANHUNT OPERATION SA CORDILLERA

LA TRINIDAD, Benguet

Nasa kabuuang 63 wanted person, kabilang ang 13 most wanted personalities ang nalambat sa
isang linggong manhunt operations na isinagawa ng Police Regional OfficeCordillera mula Hulyo 16 hanggang 22. Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division
(RIDMD), naitala ng Baguio City Police Office (CPO) ang pinakamaraming naaresto na may 18 wanted person, na sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may 16 arestado; Kalinga PPO na may siyam na arestado; Ifugao PPO na may anim na arestado; Abra PPO at Mountain Province PPO na may tig-limang arestado at Apayao PPO na may apat na arestado.

Sa mga naarestong personalidad, 13 indibidwal ang naitala bilang Most Wanted Persons (MWP), kung saan lima ang nakalista sa Regional Level, tatlo sa Provincial Level, tig-dalawa sa City Level at Municipal level, at isa sa Station Level. Sinabi ni Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director, bilang resulta ng pinaigting na presensya ng pulisya, 57 bayan sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at tatlong istasyon ng pulisya sa Baguio City ay nananatiling mapayapa, dahil naitala ng PROCOR ang zero crime incident sa panahon ng parehong linggo.

Zero crime incidents ang naitala sa 23 sa 27 bayan sa Abra; anim sa pitong bayan sa Apayao; pito sa 13 bayan sa Benguet; lima sa pitong bayan sa Kalinga; walo sa 11 bayan sa Ifugao at walo sa 10 bayan sa Mountain Province. Dagdag pa, ang City Police Stations ng Camdas Police Station (PS) 2, Loakan PS4, at Aurora Hill PS6 ay nagtala rin ng zero crime incident sa 10 police stations sa Baguio City.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon