BAGUIO CITY
Inaresto ng pulisya ang isang 65 taong gulang na lalaki na may kasong 3 counts of rape at naitala bilang No.1 Regional Top Most Wanted Person, sa pinaigting na manhunt operation noong Enero 11. Nadakip ng Camdas Police Station 2 ng Baguio City Police Office ang 65 taong gulang na lalaki na pinaghahanap sa kasong 3 counts of rape at tinawag na No.1 TMWP sa Regional Level at Provincial Level ng Criminal Investigation and Detection GroupCordillera.
Nasakote rin ng mga tauhan ng BCPO Station 2 ang No.2 TMWP Regional Level, isang 57-anyos na ginang na may kasong 4 counts of estafa at paglabag sa Presidential Decree 1920, sa kanyang
pinagtataguan sa Sta. Barbara, Iba, Zambales noong Enero 15. Naaresto ng mga tauhan ng CIDG-Abra Provincial Field Unit ang wanted na si Aristotle Brigola na nakalista bilang No.2 MWP sa Provincial Level para sa 1st quarter ng 2024 sa operasyon ng pulisya sa Barangay Guimba, San Juan, Abra noong Enero 14. Samantala, inaresto ng CIDG-Cordillera ang 12 pang wanted na tao para sa iba’t ibang kaso sa dalawang linggong manhunt operation laban sa mga nagtatago sa batas.
ZC/ABN
January 19, 2024
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025