LA TRINIDAD, Benguet
Nalambat ng mga pulis ang 68 wanted persons mula sa isang linggong manhunt operation sa rehiyon ng Cordillera, noong Mayo 5-11. Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division, naitala ng Baguio City Police Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may 26 na wanted persons, na sinundan ng Benguet Police Provincial Office na mayroong 14 na arestuhin; Apayao PPO na may 10 naaresto; Kalinga PPO na may walong naaresto; Ifugao PPO na may apat na arestuhin, at Abra PPO & Mountain Province PPO na may tig-tatlong arestuhin.
Sa parehong linggo, zero crime incidents ang naitala sa 22 munisipalidad sa Abra, tig-10 munisipalidad sa Ifugao &
Mountain Province, anim na munisipalidad sa Benguet, limang munisipalidad sa Kalinga, at apat na munisipalidad sa Apayao. Sa Baguio City, nagtala rin ng zero crime incident sa 10 police stations sa lungsod ang Naguilian Police Station (PS1), Loakan Police Station (PS4), at Aurora Hill Police Station (PS6).
Zaldy Comanda/ABN
May 17, 2024
May 17, 2024