LA TRINIDAD, Benguet
Muling ginunita ang 6th Highland Vegetable Industry Week na pinangunahan ni Mayor Romeo Salda, Vice Mayor at Roderick Awingan kasama ang mga konsehal at ang Vice Governor ng lalawigan ng Benguet,noong Hulyo 10. Sa mensahe ni Genevieve Guevarra, Assistant Secretary for Consumer Affairs (ASEC DA) sinabi niya ang ang La
Trinidad ang pangunahing trading post na pinabilis ang paglago ng vegetable industry mula noong 1980’s.
“This place has been a crucial hub for trading vegetables. In fact La Trinidad handles about 85 percent of all the vegetables produced in Benguet and stepped up in providing the space needed by the farmers and traders to do their trade.” aniya. Sinabi din ni Guevarra na layunin ng Department of Agriculture na mapabuti ang efficiency at effectiveness ng agricultural practices ng highland vegetable areas na currently in place.
Noon pa man nagbibigay na ang opisina ng DA ng iba’t ibang interventions para sa La Trinidad farmers tulad ng
fertilizers, seeds, strawberry planting materials, black nets, machinery at technical support sa pamamagitan ng trainings at ito ay nagkakahalaga ng halos P3 milyon. Ang pinakamalaking proyekto ng DA sa La Trinidad ay ang Benguet Agri-Pinoy Trading Center na nagkakahalaga ng P1 milyon.
Samantala, sa isang panayam kay Nida Organo, La Trinidad Agriculture Head, sinabi niya may 6,750 registered
farmers at 50 percent sa kanila ay sa vegetable farming into various kinds at may kabuuang 886 hectares planted habang sa bulaklak naman ay 1,336 hectares na makikita sa Barangay Betag, Pico, Wangal, Shilan at sa iba pang lugar sa Benguet.
Kris Angel N. Ngayawon/UC Intern
July 13, 2024