Sa kabila ng pagpapalawig ng filing of candidacy nang isang araw upang mapunan ang mga posisyon para sa halalan ng Sangguniang Kabataan (SK) ay pitong barangay pa rin sa lungsod ang bakante ang posisyon ng SK chairman.
Ayon kay Baguio City election officer Atty. John Paul Martin, walang nag-file ng certificate of candidacy (COC) ng SK chairman mula sa mga barangay ng Phil-Am, Guisad Surong, Hillside, Malcolm Square, Sto. Rosario, Sta Escolastica, at Campo Filipino.
Ang filing of COCs para sa eleksyon ng Barangay at SK ay itinakda ng Commission on Elections mula Abril 14 hanggang 20, 2018.
Ngunit sa isang panibagong resolusyon noong Abril 20 ay pinalawig ng Comelec ang pagpila ng mga COC hanggang Abril 21. Sa naturang resolusyon ay ipinahayag ng National Youth Commission ang pagkabahala dahil sa ang mga nagpila ng COC para sa SK ay hindi sapat para punan ang 338,584 na posisyon sa SK elections kaya hiniling na maiurong nang isang araw ang deadline sa pagpila ng COC.
“Maraming dahilan kung bakit walang tumakbong SK chairman sa barangay, isa na rito ang overage, gusto tumakbo pero yung edad ay hindi kwalipikado dahil ang pag-apply ng COCs ay 18 to 23 taong gulang at marami pang dahilan kung bakit walang nag-apply ng COCs sa SK sa nasabing (pitong) barangay,” ani Martin.
Mayroong 249 ang nagpila ng COCs para sa SK chairman sa buong lungsod. MARK PAUL K. PERALTA, UB Intern / ABN
April 28, 2018
April 28, 2018
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025