43 para sa Konseho
BAGUIO CITY
Sa dami ng kandidato ay muling mapapasabak ang mga botante para piliin ang tamang kandidato na may totoong
malasakit para sa kinabukasan ng siyudad ng Baguio. Sa kasaysayan ng pulitika ay tila kabilang na ang siyudad ng Baguio sa takbo ng pulitika sa lowland areas, dahil ngayon lang ang unang naganap na ang mag-asawa ay magka-tandem sa mataas na posisyon.
Walang nakasaad sa ating Constitution na nagbabawal sa tinatawag na ‘political dynasty’ kaya’t ang lahat ng gustong magsilbi sa bayan ay karapatan ang kumandidato at ngayon nga ay masusubukan ang mga intelligengtent voters kung nararapat bang ipairal ang ganitong sistema. Sa Congressional race, limang kilalang personalidad ang magpapataasan ng kanilang boto para maging representante ng Summer Capital.
Si dating Congressman Atty. Nick Aliping, Jr., na dalawang beses ng nabigo sa ay muling kumandidato bilang
Independent sa hangad din na muling makapag-serbisyo sa lungsod. Hangad naman ang mataas na posisyon ni City Councilor Isabelo Cosalan sa kabila ng may isa pa siyang termino sa konseho. Sa kabila ng pagkatalo noon sa Mayoralty at Congressional race, si Atty. Mauricio Domogan ay muling sasabak ulit sa pulitika bilang Independent.
Ang asawa ni Congressman Mark Go na si Soledad Go, na nagsilbing representante nito sa mga activities at pakikisalamuha sa mga bara-barangay, ay umaasang magiging kapalit nito sa kongreso. Ang nirerespetong
retiradong Congressman Bernardo Vergara ay muling mapapasabak sa pulitika para i-endorso ang kanyang panganay na anak na si Gladys Vergara, para maipagpatuloy ang kanyang naging legacy sa siyudad ng Baguio.
Dalawa pang kandidato sa Kongreso na pawang independent ang babangga sa limang personalidad, na sina
Atty. Francis Camtugan at Win-win Demoni. Sa Mayoralty race, sa halip na magpahinga muna sa pulitika ay minabuti ni last termer City Councilor Atty. Benny Bomogao na maisakatuparan niya ang kanyang mga pangarap sa pag-unlad ng siyudad. Ang magtatapos sa kanyang termino sa kongreso na si Congressman Go, ay nagpasyang kumandidato sa huling araw ng filing, para makasama ang kanyang asawa sa pulitika.
Sa nakalipas na dalawang termino ay ipinakita ni Mayor Benjamin Magalong ang kanyang matapat na pamamahala
sa pamamagitan ng Good Governance, na kaakibat ang mga proyekto at programa para paunlarin ang lungsod tungo sa pag-unlad, ay muli niya ipagpapatuloy sa ikatlong termino. Tatlo pang kandidato sa pagka-Mayor na sina Abdul
Camo, Rei Ann Cayetano at Mark Andrew Directo. Magiging maganda naman ang labanan sa Vice Mayoralty,
dahil ‘one on one’ sina incumbent Vice Mayor Faustino Olowan at last termer City
Councilor Mylen Yaranon. Marami ang kandidato para sa konseho at marami din ang baguhan, mga bata na may mga prinsipyo at may mahusay na programa para sa siyudad ng Baguio. Pito ang incumbent na naghahangad ng re-election na sina Fred Bagbagen, Vladimir Cayabas, Elmer Datuin, Peter Fianza, Jose Molintas, Betty Lourdes Tabanda, Leandro Yangot. Kung mapanatili nila ang kanilang trono ay lima lang pwedeng makapasok sa konseho.
ABN Reportial Team
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025