7 DRUG PERSONALITIES ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Arestado ang pitong drug personalities sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement-Cordillera na nagresulta sa pagkakakumpiska ng shabu at marijuana na nagkakahalaga
ng P78,800 noong Setyembre 4, sa Barangay Quirino Hill, Baguio City. Kinilala ni Gil Castro, PDEA regional director, ang mga naaresto na sina Lyca Ananayo Kimmayong, 32, vegetable dealer, alyas Celia Kimmayong, ng East Quirino Hill, Baguio City at nakalista bilang High Value Target ng PDEA.

Nhap Gilbert Bulayang duyan, 31, helper, ng La Trinidad, Benguet; Thum Claude Gadang Baddan, 21,
laborer, ng Block. 7, East Quirino Hill, Baguio City; Maribel Ofiana Parica, 50, saleslady; Norilyn
Bayawoc Bermudez, 46, online seller, ng 192 Pinsao Proper, Baguio city; Jacky Bernardino at Norben Ablania Cagang, 38, construction workers. Ayon kay Castro, matagal na nilang minamanmanan ang
bahay ni Kimmayong na pinaniniwalaang ginagamit bilang drug den, hanggang sa magsagawa sila ng buyoperation alas-5:20 ng hapon, sa tulong ng kinatawan ng DOJ na si Atty. Ayochok at Kagawad ng
Barangay East Quirino Hill, Baguio City.

Nakumpiska sa mga operatiba ang anim na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng isang gramo at nagkakahalaga ng P6,800; isang
bloke ng pinatuyong marijuana, na tumitimbang ng 600 gramo na may halagang P72,000; sarisaring mga gamit sa droga; ilang cellphone at buy-bust money.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon