7 DRUG PUSHER SA CORDILLERA NAHULIHAN NG 100K HALAGA NG SHABU

BAGUIO CITY – Pitong drug personality, kabilang ang isang online seller ang magkakasunod na natiklo sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya na nag-resulta ng pagkakakumpiska ng P100,232 halaga ng shabu.
Nasakote ng mga tauhan ng Station7 at Station 2 ng Baguio City Police Office at PDEA ang online seller na si Judimel Rodriguez Ferrer, 21,vng Lourdes Extension, Baguio City at nakatala bilang High Value Individual (HVI) ng PNP Directorate for Intelligence, matapos magbenta ng 0.5 gramo ng shabu na may halagang P3,400 sa undercover agent sa may Lower Magsaysay Ave., Baguio City noong Hunyo 14.
Natimbog naman sa Alfonso Lista, Ifugao, ang negosyanteng si Limbert Martin Mallari, 42, matapos magbenta ng 0.3 gramo ng shabu sa halagang P2,400 sa police poseur-buyer.
Bukod dito, narekober pa sa possession nito ang 4 gramo ng shabu na may halagang P27,200 at sa loob ng Toyota Fortuner nito ay nasamsam ang shabu residue, seven empty plastic sachets, two folded aluminum foils, buy-bust money, lighter, scissors at cellphone na ginamit sa transaksyon.
Nalambat naman sa Dolores ,Abra ang bagong drug pusher na si Odelle Balmaceda,37, matapos kumagat ito sa pain ng pulisya nang magbenta ito ng shabu sa halagang P6,800.
Natimbog naman ang mag-partner na drug personality na sina Alma Lazarte Devilles, 45, at Teofilo Bautista Cariño,50, kapuwa HVI sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Kadmangan, Poblacion, Tuba, Benguet, noong Hunyo 15, matapos magbenta ng dalawang sachets ng shabu na may timbang na 4.87 gramo sa halagang P33,116.00.
Sa pagkakadakip sa suspek, nakuha pa an 3 sachet ng shabu na may halagang P26,316.00.
Sa Kalinga, nalambat ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division Cordillera (RIDCOR), CIDG Kalinga/Apayao at Kalinga PPO ang isa sa Top Ten Regional Drug Personality na nakilalang si Osias Awisan Innog,37 at HVI na si Marlon Andawey Mahoy,42, mula sa magkahiwalay na drug-bust operation,noong Hunyo 17.
Si Ossias ay nadakip sa Barangay Lacnog,Tabuk City,matapos ang buy-bust operation at nahulihan ng 0.3 gramo ng shabu na may halagang P2,040.00, samantalang si Mahoy ay nahulihan naman ng 0.2 gramo ng shabu sa may halagang P1,360 sa Barangay Magsaysay,ng nasabi ding siyudad.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon