7 KATAO NAMATAY, 3000 KASO NG DENGUE SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Pito katao ang naiulat na namatay dahil sa Dengue at tumaas ng halos 3,011 sa buwan ng Agosto mula pa noong
buwan n Pebrero ang naitala hanggang sa buwan ng Hulyo, ayon sa tangapan ng City Health Services Office . Ayon sa ulat ng CHSO unang naitala ang unang biktima noong buwan ng Pebrero at ang mga sumunod ay noong buwan ng Hunyo at Hulyo at halos tumaas pa ang ibang kaso ng dengue sa lunsod.

Sa pitong namatayt apat dito ay anima na taong gulang na batang babae mula sa Asin barangay, siyan siyam na taong gulang na batang lalaki mula sa Irisan barangay, isang tang gulang na batang lalaki mula sa Country Club barangay na nadala pa sa ospital noong Hulyo 28, 2024 at ay isang apat na taong gulang na babae mula sa lalawgan ng Nueva Vizcaya.

Ang ibang biktima ay isang 63 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Loakan Proper na admit sa ospital noong Pebrero 28, 2024 na kung saan ay namatay umano dahil sa kagat ng lamok o Dengue. Samantalang isang 59 anyos nan a lalaki mula sa Cabinet Hill Barangay –Teachers Camp na naospital noong Hunyo 18, 2024 at isang 38 anyos na babae mula sa barangay Dominican –Mirador Hill na naospital noong Hunyo 12, 2024.

Ayon din sa huling datos ng CHSO ay umabot na sa 3,011 ang naitalang may kaso ng Dengue na patuloy na nagpapagaling ito ay mula pa noong Enero hanggang sa buwan ng Agosto 2,2024 na kung saan ay may 462 postsiyento ng pagtaas ng kaso ng mga na-Dengue sa lunsod mula sa ibat-ibang barangay. Napag-alaman din na halos ang mga nakakagat ng lamok na may dalang virus (Dengue) ay mula 11 anyos hanggang 20 anyos taong gulang ang iba naman ay nasa 23 anyos at halos 51 na porsiyento ng mga biktima ng Dengue ay mga kababaihan.

Naitala rin ng CHSO na ang mga apektadong barangayt ay Irisan, Bakakeng Central, Asin Road, Sto. Tomas Proper, Camp 7, Gibraltar, Pinget, Loakan Proper, Pacdal, Middle Quirino Hill at Bakakeng Norte. Matatandaan na noong buwan ng Abril ay sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na ipatupad na amg mga anti-dengue measure upang agad na masawata ang pagkalat ng masabing virus ng lamok na kung saan aniya ang Dengue ay kadalasang pumapalo sa
buwan ng Hunyo hanggang Oktubre.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Hunyo noong 2023 ay kailangan na maisakatuparan ang Ordinasa bilang 66-2016 na kung saan ay makaukulang penapty sa mga lalabag sa nasabing ordinasa na kung saan ay nakassad dito ang paglilinis ng kapaligiran . Batid ng mga residente ng Baguio na may awareness sa kampanya laban sa Dengue subalit karamihan sa mga ito ay hindi diumano nakikisama sa paglilinis ng kapaligiran.

Inatasan din ni Magalong ang tangapang ng Baguio City Police Office sa pamumuno no P.Sr.Supt Francis Bulwayan hepe ng BCPO na pangunahan ang paghlilinis sa mga nasasakupan ng ibat-ibang presinto. Ani Magalong “ I ordered the involvement of the Baguio City Police Office personnel and the Public Order and Safety Division in the conduct of information dissemination, case surveillance and geo-tagging operations in the barangays as augmentation to the
sanitation division personnel.”.

“Any uncooperative owner, group of persons or public or private entity can be summoned to appear before the punong barangay to explain at reasonable cause why no legal action should be taken upon the violator,” ayon sa nakasaad sa ordinansa. Sa sinumang lalabag sa nasabing ordinansa ay papatawan ng mga halagang sa first offense
magsasagawa ng community service sa loob ng tatlong araw sa kanyang nasasakupang barangay, sa ikalawang second offense ay may bayad na P1,000 at magsasagawa ng community service sa loob ng tatlong araw at ang pangatlong offense ay sa halagang P3,000 at pagkakulong ng dalawang araw .

Samantal patuloy ang tanggapan ng CHSO sa kanilang program at aktibidad upang masawata ang pagkalat ng ng
Dengue sa mga barangay . Nagkakaroon sin sila ng kooperasyon sa mga barangay upang magsagawa ng paglilinis sa kanilang mga kapaligiran.

Aileen P. Refuerzo/Baguio-PIO

Amianan Balita Ngayon