7 medalya sa surfing nakuha ng bansa sa SEA Games

SAN JUAN, La Union – Nagtapos ang kaunaunahang kompetisyon sa surfing sa Southeast Asian Games na ginawa sa San Juan, La Union na may pitong medalya ang nakuha ng Team Philippines noong Disyembre 8. Sa pagtatapos ng isang linggong surfing competition ay nabingwit ng Pilipinas ang dalawang ginto, dalawang pilak at tatlong tansong medalya mula sa nasabing kompetisyon.

Para sa Shortboard Men Category, si Ony Anwar ng Indonesia ang nanalo ng gold; Rio Waida ng Indonesia ang nanalo ng silver; at Marama Tokong Pilipinas at Henry Chapman ng Thailand sa bronze. Para sa Shortboard Women Catergory, nanalo si Nilbie Blancada ng Pilipinas ng gold; Anni Flynn ng Thailand silver; at Daisy Valdez ng Pilipinas at Taina Izquierdo ng Indonesia sa bronze.

Para sa Longboard Men Category, panalo si Roger Casugay ng Pilipinas ng gold; Rogelio Esquievel, Jr. ng Pilipinas silver; at Dean Permana at Menchos Nurhidayat ng Indonesia sa bronze. Para sa Longboard Women Category, nasungkit ni Dhea Novitasari ng Indonesia ang gold; Ikit Agudo ng Pilipinas silver; at Daisy Valdez ng Pilipinas at Ramee Junprasert ng Thailand ang panalo ng bronze.

Sa kaniyang mensahe ay tinalakay ni Governor Francisco Emmanuel “Pacoy” R. Ortega III ang mas matibay na pagsasamahang nabuo sa pagitan ng mga bansa, teams at indibiduwal na sinabing, “The highlight, I think, was the remarkable long board two-men exhibition. To me, that picture best captures the theme, We Win as One.”

Tinutukoy ni Gov. Ortega ang kabayanihan ni Filipino surfer Roger Casugay na iniligtas ang Indonesian surfer na si Nurhidayat sa pagkalunod ng mapigtas ang tali ng surfing board nito sa gitna ng kompetisyon noong Disyembre 6.

Sinabi ni Department of Tourism-Regional Office 1 Director Joseph Francisco “Jeff” Ortega na, “we did all the things we need to do to win as one…I would like to remind that this purpose is to work together as Asian community.”

Naniniwala siya na sa pagiging punong-abala ng La Union sa kompetisyon ay naglagay sa probinsiya sa daigdig ng surfing map.

Ang pagtatapos ng kompetisyon ay nagmarkang umpisa ng mas malawak na pagkilala para sa La Union bilang isang prime surfing at tourism destination sa Southeast Asia at sa mundo.

Tinanggap ni Southeast Asian Games (SEA Games) 2019 Longboard Men Category in Surfing Gold Medalist Roger Casugay ng Pilipinas ang medalya niya mula kay Gov. Pacoy sa awarding ceremony sa San Juan, La Union noong Disyembre 8. Pinangalanan si Casugay bilang pinakamahusay na simbolo ng tema ng SEA Games 2019, “We Win as One,” dahil sa kaniyang kabayanihan.

CRB, OPG-MPIU/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon