71 WANTED PERSON NASAKOTE SA CORDILLERA

CAMP DANGWA Benguet

Nahuli ng Cordillera police ang 71 indibidwal na wanted ng batas sa isinagawang manhunt operations mula Hulyo 14 hanggang 20. Sa ulat mula sa Regional Investigation and Detective Management Division, naitala ng Baguio City Police Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 26 wanted person, sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may 14 arestado; Kalinga PPO na may 12 naaresto, Mountain Province PPO na may pitong naaresto, Abra PPO na may anim na pag-aresto at Apayao PPO at Ifugao PPO na may tig-tatlong pag-aresto.

Sa mga nahuli, 19 ang tinaguriang Most Wanted Persons: 11 sa Provincial Level, pito sa Municipal Level, at isa sa Regional Level. Sa parehong panahon, 56 na munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon, kasama ang limang istasyon ng pulisya sa Baguio City, ang nag-ulat ng zero crime incidents. Zero crimes ang naisulat sa 21 munisipalidad sa Abra, 10 munisipalidad sa Mountain Province, walong munisipalidad sa Ifugao, pitong munisipalidad sa Apayao, pitong munisipalidad sa Benguet, at tatlong munisipalidad sa Kalinga. Sa Baguio City, wala ring naiulat na insidente ng krimen ang Police Station (PS) 1, PS3, PS7, PS9, at PS10 sa 10 police stations sa lungsod.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon