LUNGSOD NG BAGUIO – Naglabas ng isang notisya upang magpaliwanag ang Department of Health sa Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) sa 72 commercial estabblishments dahil sa sobrang mahal na mahahalagang medisina at supplies.
Sa isang briefing noong Martes ay sinabi ni DOH-CAR pharmacist Aiden Bermisa na ang resulta ng kanilang monitoring sa 214 establisimiyento sa rehiyon kabilang ang groceries, drug stores at pharmacies ay napagalaman na 72 dito ay nagbebenta ng mahahalagang medisina at supplies na mas mahal kaysa suggested retail price (SRP).
Nag-isyu ang DOH central office ng isang price freeze sa mahahalagang medisina at supplies gaya ng ethyl alcohol at face masks sa gitna ng takot sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) kung saan ang pangangailan sa masks, alcohol, vitamins at iba pa ay naitala.
Base sa monitoring ng DOH-CAR, may anim na natagpuang non-compliant sa Baguio, 14 sa Benguet, walo sa Kalinga, 18 sa Mt. Province, pito sa Abra, 14 sa Ifugao, at lims sa Apayao.
Sinabi ni Bermisa na magiisyu sila ng notice to explain sa mga establisimiyento. Sinabi ni Atty. Veronica Sowaken, DOH-CAR legal officer na ang mga kaso ay hahawakan ng DOH.
“All of these are for due notice, no need to refer it to other agencies kami na po ang bahala [DOH] for legal action,” ani Sowaken.
Ang mga lumabag ay maaaring pagmultahin ng hanggang PhP1 milyon at pagkakakulong ng isa hanggang 10 taon, aniya.
Nauna dito ay napag-alaman ng DOH-CAR na nagbebenta ng mas mahal ang mga pharmacy ng
surgical at N-95 masks.
Sinabi ni Bermisa na ang random monitoring sa Baguio at Benguet ay isinagawa ng DOH, Department of Trade and Industry (DTI), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) samantala sa mga probinsiya ay isinagawa ng DOH provincial ofices ang random monitoring sa mga establisimiyento.
“The DOH is mandated to regulate and monitor drug prices as well as to ensure the consumers are adequately protected from illnesses,” ani Bermisa.
“Essential medicines have been identified as a basic necessity especially in times of natural calamities and man-made disasters that put the health and lives of Filipinos at risk because of unfavorable conditions so ang ginawa po ng DOH (what the DOH did) was to conduct random monitoring,” dagdag niya
Ang mga items na minonitor ay kabilang ang medical supplies gaya ng analgesic, disinfectant, anti-bacterial at anti-fungal, cardio-vascular medicines, at vitamins.
LA-PNA/PMCJr.-ABN
March 9, 2020
March 9, 2020
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025