78 baril, nakumpiska sa kontra boga ng pulis Region 1

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Sa pinaigting na kampanya
laban sa loose firearms ay nakaiskor ang Police Regional Office 1 (PRO1) ng 78 assorted firearms at nadakip ang 65 katao sa ilalim ng
imlementasyon ng “Kontra“ Boga at Comelec gun ban.
Nabatid kay Chief Superintendent Romulo E. Sapitula, regional director, na 65 low powered at 13 high powered firearms ang nasamsam sa mga isinagawang police checkpoints, service of search
warrants, internal security operations at iba pang police operations mula nang ipatupad ang gun ban sa buong rehiyon.
Nangunguna ang probinsiya ng Pangasinan sa bilang ng nakumpiskang mga baril na may 44 at 48 na arestadong tao base sa pinakahuling ulat ng pulis.
Sinundan ito ng Ilocos Sur na may 19 kumpiskadong baril at pitong arestadong tao; may walong baril at anim na tao naman sa La Union; habang sa Ilocos Norte ay nakapag-ulat ng apat na baril at dalawang tao ang inaresto.
Karagdagan dito ay nakakumpiska rin ang Regional Criminal Investigation and Detective Unit 1 (RCIDU1) ng tatlong baril at dalawang tao ang inaresto.
Sa paghahangad na mahadlangan ang paglaganap ng loose firearms sa rehiyon ay inutusan ni Sapitula ang kaniyang mga tauhan na
paigtingin ang pagsasagawa ng police operations at magtatag ng checkpoints sa mga strategic locations.
Mula sa umpisa ng election gun ban noong Enero 13 ay nagulat
ang kapulisan ng kabuuang 17 baril na isinuko at 126 ang
idineposito.
Sa ngayon, halos 35 politiko, 40 kandidato, at 53 sibilyan ang
nagdeposito ng kanilang baril sa kani-kanilang police stations
para sa safekeeping na pagsunod sa election gun ban na
magtatagal hanggang Hunyo 12 ng taong ito.
 
ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon