8 DRUG PERSONALITIES NAHULI SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet – May kabuuang P119,928.88 halaga ng iligal na droga ang nakumpiska mula sa walong drug personalities na nadakip sa Isang lingging anti-illegal drug operations na isinagawa ng Police Regional Office- Cordillera mula Oktubre 2 hanggang 8. Sinabi ni BGen.Mafelino Bazar, regional director ng PROCOR, limang drug personalities ang nahuli ng Baguio City Police Office (BCPO), habang dalawa sa Apayao Police Provincial Office, samantalang isa Mt. Province.

Sa Baguio City, kinilala angmga naarestong drug personalities na sina Mimbla Domingo, 58; Michael Bryan Domingo, 36; Kim Sabado, 31; Aira Domingo, 23; at Joana Marie Mendoza, 32. Sa Apayao, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Johnny De Guzman, 44; at Ridante Mangwag, 47. Bukod dito, sa Mt. Province, kinilala ang naarestong drug personality na si Danny Banguiyao, 32. Ang isang linggong anti- illegal drugs operation na isinagawa ay nagresulta sa pagkakasamsam ng kabuuang 15.14 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P119,928.88. Lahat ng mga naarestong suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon