80% NG POLL WORKERS SA PANGASINAN NAKATANGGAP NA NG HONORARIA

LINGAYEN, Pangasinan

Walumpung porsiyento ng mahigit 22,000 guro sa Pangasinan na nagsilbi sa panahon ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Oktubre 30 ang nakatanggap na ng kanilang honoraria hanggang Martes, na ang buong pagbabayad ay malulubos sa Nobyembre 10. Sinabi ni Atty. Marino Salas, Commission on Elections provincial election supervisor sa isang panayam sa telepono, na puntirya nilang makumpleto ang pagbibigay ng honoraria hanggang Biyernes (Nobyembre 10), mas maaga kaysa Nob. 14 deadline o 15 araw matapos ang pagsasagawa ng halalan na iniuutos ng batas.

“Most of the poll workers in the towns and cities have already received 100 percent of their honoraria but in some huge cities and towns, they are still on the process (of releasing it) (Karamihan ng poll workers sa mga bayan at lungsod ay tinanggap na ang 100 porsiyento ng kanilang honoraria ngunit ilang malalaking lungsod at mga bayan, nasa proseso pa ang paglalabas),” aniya, na sinabing ang pagbibigay ng honoraria ay nag-umpisa noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Salas na ang chairman of the electoral board ay tatanggap ng Php10,000 honorarium, habang ang electoral board members ay makakatanggap ng PhP9,000 bawat isa. “Their honoraria increased by PHP4,000 this BSKE (Tumaas ang kanilang honoraria ng PhP4,000 ngayong BSKE),” aniya. Samantala, ipinaalala ni Salas sa lahat ng mga kandidato ng BSKE ng kanilang responsibilidad na magpila ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) hanggang Nob. 29 o sa loob ng 30 araw matapos ang eleksiyon. Mayroong mahigit ng 57,000 kandidato mula sa probinsiya na tumakbo sa BSKE noong Oktubre 30. Mayroong 6,330 clustered precincts at 2.1 milyon rehistradong botante sa Pangasinan.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon