8,125 SECURITY PERSONNEL PINAKALAT PARA SA MAY 9 ELECTIONS SA CORDILLERA

Headlines

BAGUIO CITY – May kabuuang 8,125 police at military personnel ang nasa iba’t ibang lugar na ngayon sa Cordillera, para magsilbing security forces sa darating na Mayo 9 national and local elections.

Pinangunahan ng Police Regional Office-Cordillera at Commission on Election-Cordillera ang simultaneous send-off ceremony nitong Miyerkules na ginanap sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad,Benguet.

Sinabi ni Capt. Marnie Abellanida, deputy regional information officer na ang sendoff ceremony ay dinaluhan nina Comelec-Cordillera director Ederlino Tabilas at BGen.Ronald Oliver Lee; Albert Mogol, ng Office of Civil Defense; Sinabi ni Brig. Gen. Khrisnamurti Mortella, ng 702nd Brigade at Brig. Gen. Santiago Enginco, ng 503rd Brigade ng Philippine Army.

Sinabi ni Tabila, na namumuno sa regional joint security task group ng rehiyon na nais nilang tiyakin na ang halalan sa Mayo 9 ay ligtas, maayos, at tapat.

Ang gumaganap ng tungkulin sa halalan sa Abra ay 980 tauhan; Apayao, 474; Baguio City, 648; Benguet, 979; Ifugao, 927; Kalinga, 560; Mountain Province na may 550; at 411 sa Regional Mobile Force Battalion.

Naka-standby ang mahigit 2,000 natitirang tauhan sakaling kailanganin at ang ilan ay magiging bahagi din ng quick response teams (QRT) at sa mga checkpoints. Sa 8,125 security personnel, 1,078 ay mga police officers.

By Zaldy Comanda