833 TRAVELERS HINDI PINAPASOK SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Mahigpit na ipinapatupad ngayon hanggang Oktubre 3 ang non-essential travel sa Baguio City – La Trinidad – Itogon- Sablan- Tuba-Tublay (BLISTT) para pigilan ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Ang advisory ay niagdaan ng mga Mayors ng BLISTT para limitahan ang movement ng mga tao at entry ng nonresidents for non-essential travel. Ang mga residente na bumibiyahe sa BLISTT ay obligadog magpakita ng dokumento na na nagapatunay na siya ay authorized persons
outside residence (APORs) na may essential reasons.
Ang mga Mayors ng BLISTT ay nagpalabas din ng kani-kanilang advisory na humiling sa mga kanilang residente na iwasan muna ang magbiyahe kung hindi essentials sa kanilang pupuntahan.
Sa Baguio City, 833 travelers ang pinabalik sa kanilang pinanggalingan dahil sa kawalan ng dokumento papasok ng siyudad, sapul ng
ipatupad ang heightened border restrictions, kabilang ang paghuli sa dalawang colorum vehicle.
Ang paghiigpit sa city’s border ay iniutos ni Mayor Benjamin Magalong sa Baguio City Police Office, para higpitan ang mga travelers sa lungsod dulot ng pagtaas ng kaso ng COVID Delta variant.
Nabatid na ang isang residente ng siyudad na fully vaccinated na galing sa ibang lugar ay dadaan na sa triage para suriin ang dokumento nito, samantalang ang hindi bakunado o’ first dose pa lamang ay isasailalim sa RT-CPR test.
Zaldy Comanda/ABN

CHECKPOINT

Amianan Balita Ngayon