BAGUIO CITY – Iniulat ng Baguio City Police Office na 92 police trainees na nagsilbing frontliners mula ng magsimula ang pandemya ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa nakalipas na araw.
Ipinahayag ni BCPO City Director Allen Rae Co, ang kasiguruhan sa publiko na sa kabilang pagbaba ng bilang ng personnel ay patuloy ang kanilang serbisyo para sa kaligtasan at seguridad laban sa pandemya.
Ayon kay Co, ang BCPO ay nananatiling high morale sa kabila ng patuloy na pagdami ng COVID-19 cases na ang ilanng biktima ay miyembro ng pulisya. Iniulat ni Co sa nakaraang media forum, sa kasalkuyan ay may kabuuang 92 police trainees ang nag-positibo sa COVID-19 sa nakalipas na araw at karamihan ay naninirahan sa kanilang barracks sa Barangay Lower Lourdes Subdivision.
Aniya, may 200 police trainees na naging close contacts ng mga nag-positbo sa virus ang naka-quarrantine na para maiwasan pa ang posibleng pagkalat ng virus. Mahigit sa 400 police trainees ang naka-deploy sa lungsod bago magsimula ang pandemya sa ilalim ng kanilang Field Training Program.
Itinalaga sila sa mga quarantine checkpoints, lockdowns of barangays, assigned sa iba’t ibang police station, kabailang ang pagbabantay sa public market sa nakalipas na anim na buwan.
Zaldy Comanda
October 5, 2020
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025