AABOT SA 3 LIBO KANDIDATO NG BARANGAY, SK ELEKSYON SA BAGUIO

17 PB unopposed, 16 Barangay walang SK candidate

BAGUIO CITY

May kabuuang 2,830 ang nag-sumite ng kanikanilang Certificate of Candidacy para sa iba’t ibang
posisyon sa nalalapit na Barangay, Sangguniang Kabataan Elections sa siyudad ng Baguio sa Oktubre 30. Base sa datos ng Commission on ElectionsBaguio, mula sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2 na pagfile ng CoC’s ay 335 ang kandidato para sa Punong Barangay;1,892 sa Kagawad;
213 para sa SK Chairman at 390 sa SK Kagawad.

May posibilidad na mabago ang bilang ng mga kandidato kapag may nagwithdraw bago dumating ang eleksyon. Habang sinusulat ang balitang ito, 17 Punong Barangay ang masuwerteng walang kalaban o’ unopposed. Kinabibilangan ito ng Barangay AZKCO, San Roque Village, Upper Magsaysay, P. Burgos, Gabriela Silang, Upper Rock Quarry, Camdas Subdivision, Lower Quirino Hill, Quezon Hill Proper, San Antonio Village, Holy Ghost Proper, Ambiong, Bakakeng Norte, Bayan Park Village,DPS,, Imelda Marcos at Kayang Extension.

“Wala pong incentives para sa mga unopposed na candidates. Yung bonus lang sa kanila ay kahit hindi na sila mangampanya, panalo pa rin sila,” pahayag ni Atty.John Paul Martin, Election Officer ng COMELEC – Baguio. Nilinaw din ng Department of Interior and Local Government Unit na walang batas na incentives o’ reward para sa mga unopposed Punong Barangay simula pa noon.

Base sa records, may nagwithdraw na tatlong kandidato para sa Punong Barangay as of September 7 at inaasahan may magwiwithdraw pa sa mga susunod na araw . Bahagyang ikinadismaya naman ng Comelec ang mababang bilang ng mga nagsumite ng CoC’s para sa SK Chairman at kagawad.
Ayon kay Martin, noong nakaraang barangay election ay nasa 12 barangay mula sa 128 barangay sa lungsod ang walang kandidato sa SK, pero ngayon ay umakyat ito sa 16 barangay.

Ang walang kandidato sa SK ay ang Barangay Quezon Hill Proper, City Camp Proper, Engineers Hill, DPS Compound, Lower General Luna, Hillside, Mines View, Harrison-Carantes, Upper QM, Magsaysay Private Road, Quirino Magsaysay Lower, Lower Lourdes, Balsigan, Atok Trail, Country
Club Village, at Aurora Hill North Central. Ipinaliwanag ni Martin na base sa Section 5 ng Republic
Act 11768, ang bagong amendment sa SK Reform Act of 2015, na naging epektibo noong May 6, 2022, ay may mga proseso sa pag fill-up ng mga bakanteng posisyon, tulad ng succession o’ pag-appoint ng Officer-in-Charge na aayon sa probisyon ng batas.

Ibig sabihin, sa mga barangay na walang kandidato para sa SK chairman, subalit meron kandidatong Kagawad ay sa kanila pipili na mataas na boto para maging chairman. Sa mga barangay naman na walang kandidato sa SK chairman at kagawad ay hindi pa malinaw kung magsasagawa pa ng Special Election o’ susundin na lang ang SK Reform Act of 2015 sa pamamagitan ng appointment.

Ikinasiya naman ni Martin ang pagiging peaceful ng election sa Summer Capital mula noon, kaya walang dahilan para magkaroon ng area of concern ang Comelec sa kabila ng mga isyung naglalaban-laban ang magkakalahi,mag-pamilya o matalik na magkaibigan sa iisang posisyon sa barangay. Sa kasalukuyan ay may kabuuang 169,711 ang voting population ng siyudad ng Baguio.

ABN Reportial Team

VICTORY DAY RIDE

Amianan Balita Ngayon