ABC-Baguio suportado ang panukalang streetlight ng BENECO

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinagtibay ng Liga ng mga Barangay-Baguio City Chapter ang suporta nito sa panukala ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) na pormal isinumite sa pamahalaang lungsod na nagtatakda ng terms and conditions sa maintenance at operation ng streetlight system ng lungsod.

Sa ilalim ng Liga ng mga Barangay BoardResolution No. 31, series of 2019, taimtim na hiniling ng mga punong barangay sa lungsod na paborableng ikonsidera ang nasabing panukala para sa adoption and eventual implementation nito upang tugunan ang umiiral na mga problema ng mga barangay sa mga naaantalang pagpalit ng mga sirang streetlight bulbs sa iba’t-ibang barangay.

Bago ito ay pormal na ipinasakamay ng BENECO sa pamahalaang lungsod ang pamamahala at operasyon ng streetlights ng lungsod matapos mapaulat na nalulugi ng Malaki ng pinamamahalaan inooperate nito ang mahigit 8,700 unmetered streetlights sa nakalipas na anim na taon.

Base sa panukala ng BENECO, papalitan ng kooperatiba ng elektrisidad ang lahat ng unmeters high pressure sodium streetlight fixtures ng Light Emitting Diode (LED) fixtures na walang gastos ng lungsod at papasanin nito ang kinakailangang investment cost at sa kalauna’y knbersiyon ng streetlights ng lungsod sa LED fixtures.

Isa pa, responsible ang BENECO sa mga pagkumpuni at pagpapanatili ng mga fixtures sa loob ng 10 taon at sisingilin ang lungsod base sa high pressure sodium streetlight consumption sa 12 burning hours.

Nangako ang BENECO na babawasan nito ang power bill ng lungsod sa unmetered streetlights ng 40 porsiyento, katumbas ng halos PhP20 milyon bawat taon na maguumpisa sa ika-anim na taon hanggang ika-sampung taon ng
maintenance at operation.

Sinabi ng BENECO na base sa komputasyon nito gamit ang aktuwal na January hanggang June rates, ang 10- year na diskuwento ay tinataya na nasa PhP100 milyon at ang halaga ng aktuwal na diskuwento, gayunman, ay depende sa umiiral na electricity rate.

Ang average monthly energy consumption ng high pressure sodium fixtures ay tinatayang nasa 538,462 kilowatt-hours na may katumbas na singil na PhP4,061,544 gamit ang average rate sa panahon ng unang semestre ng taon.

Sa pagpasa ng Murang Koryente Act, sinabi ng BENECO na may posibilidad na ang diskuwento ay maibababa dahil sa hindi pagbayad ng stranded debt at stranded contract cost.

Papalitan lamang ng BENECO ang kasalukuyang unmetered high pressure sodium fixtures ng LED fixtures habang ang bagong streetlight installations ay sasakupin ng isang hiwalay ng panukala at memorandum of agreement. “It is the reception, understanding and confidence of the body that the above proposal will offer and provide a win-win solution as to the issue on the management and maintenance of streetlights that will redound to the welfare and benefit of the City of Baguio and the 128 barangays,” saad ng resolution.

Ang aprubadong resolution ay ipapadala ng Liga ng mga Barangay sa iba’t-ibang opisina ng pamahalaang lungsod at BENECO para sa kanilang impormasyon, gabay, handing reprensiya at kaukulang aksiyon.

DAS-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon