BANGUED,Abra – Isinampa na ang mga kaukulang kaso laban sa Mayor at Vice Mayor ng Pilar, Abra, kabilang ang kanilang mga bodyguards kaugnay sa naganap na shooting incident,matapos takasan nito ang police checkpoint noong Marso 29.
Kasong pagpabag sa Republic Act 9208 as amended by RA 10364 o’ ang Expanded Trafficking in Person Act ang ikinaso sa Prosecutor Office noong Abril 6 laban kina Mayor Mark Roland Somera at sa kapatid nitong si Vice-Mayor Jaja Josefina Somera-Disono, ng Pilar, Abra, kaugnay sa pagsuko ng 12 dating military men na kanilang nagsibling security aids matapos ang stand-off sa compound ng Somera/Disono family.
Kasong paglabag naman sa Artikulo 151 ng Revised Penal Code o’ Serious Disobedience of Lawful Orders of Agent of Person in Authority
ang isinampa laban kina Jericho Toreno Bufil, Robert Boreta Toreno, Emmanuel Nicanor Valera at Sandee Boy Bermudo na lulan ng van na bumalewala sa police checkpoint.
Isinampa din ang kasong Multiple Attempted Murder laban kay si Bufil na umano’y nagpaputok ng baril habang tumutugis
ang mga police personnel sa kanila.
Sinabi ni Col. Maly Cula, ang acting provincial director, ng Abra Provincial Police Office na may inihahanda pa silang kasong paglabag sa RA 7166 in relation to Batas Pambansa 881 o’ Unauthorized Employment of bodyguards/security aids laban kina Somera at Disono at karagdagang kasong paglabag sa Comelec Gunban laban kay Disono.
Ayon kay Cula, ang baril na narekober ng Scene of the Crime Operation team sa loob ng getaway vehicle na isinailalim sa Gun Powder Residue Test (GPRT) ay positibo sa Gun Powder Residue (GPR).
Samantala, iniutos ni BGen.Ronal Oliver Lee, regional director ng Police Regional Office-Cordillera na mas paigtigin pa ng checkpoint habang papalapit ang May 9 election sa rehiyon, lalo na sa Abra.
“Higpitan n’yo pa ang pagsasagawa ng checkpoint operations.Dagdagan n’yo rin ang pagsasagawa ng mga spot checkpoints. Sa inconveniences na mararanasan ng mga travelers or motorist, just iexplain lang ng mabuti yung purpose ng COMELEC checkpoint na ginagawa n’yo.
Ang nangyari sa Pilar,Abra ay maging lesson sana sa mga pulitiko na lumalabag sa batas,” pahayag ni Lee.
Zaldy Comanda/ABN
April 9, 2022
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025