BANGUED, Abra – Nakasuot ng pula at berdeng t-shirts, ang mga residente dito noong Miyerkoles ay nangakong ibibigay ang kanilang buong suporta sa Uniteam presidential-vice presidential tandem nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.
“Solid North kami dito sa Abra. Ninety-nine percent of the voters’ population here ay talagang sumusuporta sa Uniteam,” ani Barangay Cabuloan Chairman Florencio Viado sa isang panayam. Sinabi ni Viado na magiging “dakila muli” kung ang tandem na BBm-Sara ang mananalo sa halalan.
“Kapag Ilocano ang kandidato, automatic ang supporta namin. Kaya sigurado kami na ‘yung pwersa ng Mindanao at Norte ay solidong magtatayo ng buong Pilipinas,” pahayag ni Viado.
Si Marcos ay isang Ilocano. Ang isa na nasa pulutong ng mga tao ay si Nona Castillo, 60 taong gulang na sinabi niya na mula pa alas 6 ng umaga ay naghihintay na siya sa pagdating ng Uniteam noong Miyerkoles (Marso 9).
“Talagang mainit ang pagtanggap naming taga-Abra dahil sobrang mahal namin ang BBMSara,” ani Castillo.
Pinuri din niya ang pambato ng UniTeam sa hindi sila sumasali sa “negatibong pangangampanya. “Kapag nangangampanya ay hindi sila nakikipag-away at hindi sila naninira sa kapwa nilang kandidato, which symbolize how great of a leader they are,” pahayag ni Castillo said.
March 13, 2022
March 13, 2022
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025