BANGUED, Abra
”Walang patid na paglalapastangan”, Ganito inilirawan ni suspended Abra- Vice Governor Joy Bernos sa kanyang opisyal na pahayag, ang patuloy na pagsasampa ng ibat ibang kaso Laban sa Kanila ng kanyang ama na si Governor
Dominic Valera. Ayon sa kanya hindi sila nagtagumpay noong una, kaya sinundan nila uli ito ng panibagong kaso.
Pinatawan ng Deputy Executive Secretary for Legal Affairs o DESLA ng office of the President ng 60 araw na
preventive suspension si Abra Governor Dominic Valera dahil sa legal na pagtatalaga niya sa isang miembro ng Sangguniang Bayan sa Bayan ng Bucay, Abra.
Ipinaliwanag niya na totoo na kung may reklamo, puedeng patawan ng preventive suspension ang isang lokal na
opisyal ng gobierno. Subalit hindi nangangahulugan na nagkasala ang isang opisyal. Hindi rin dahilan na kung may reklamo, ay agad na preventive suspension ang ipapataw na wala namang batayan. Binigyan diin ni Joy Bernos, na maliwanag itong pag- aabuso sa batas at sa kanilang puwesto. Sinabi pa niya na matapos na ipagpilitan ang
implementasyon sa kanyang suspension order na maliwanag na isang “Power Grab”, isinunod nila si Governor Dominic, kahit na walang silang tamang basehan sa kanyang preventive suspension.
Aniya maliwanag na ang mga puwersa na nasa likud nitong political maneuvering ay hindi titigil. Hangad sila aniyang buwagin para alisin ang tiwala ng mga mamamayan ng Abra. Hindi nila aniya mahintay ang halalan sapagkat takot sila na hindi magiging pabor sa kanila ang magiging resulta. Dahil dito inihahandana nina Governor Dominic Valera at Vice governor Bernos ang legal na isasagot at paglaban sa mga pag-aabuso sa batas at sa kanilang tanggapan bilang mga inihalal na mga opisyal ng lalawigan ng Abra. Binigyan diin ni Bernos na hindi sila katulad ng iba na ginagawa lahat, legal o hindi, pag-aabuso sa batas at pagsisinungaling para lamang may maibato sa kanila.
Naniniwala si ( Joy )Bernos sa Kapayapaan, Respeto at Kalayaan.
Contributed by Romy Gonzales
December 14, 2024
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025