PANGASINAN – Inihayag ng iba’t-ibang advocacy groups sa Pangasinan ang kanilang patuloy na suporta sa mga programa ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa probinsiya.
Ito ay matapos ang panunumpa ng Pangasinan provincial coalition ng Lingkod Bayan (public servants) Advocacy Support Groups at Force Multipliers sa pangunguna ni PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar noong Miyerkoles , Hunyo 30 dito.
“We support the PNP as we see how they exert effort to reach out not only to those in the higher society but as well as those on the ground up to the barangay level. This is a very good program of the PNP in attaining peace and order and eventually progress for our country,” ani pastor Tirso Bulatao, provincial president ng Faith-Based Groups, sa isang panayam.
Binigyan-pansin ni National Coalition of Information Technology Advocates for Change provincial president Voltaire Tolentino ang kahalagahan ng pakikipag-kaisa sa PNP sa laban kontra kriminalidad.
“I thought it is better to join in the PNP advocacy groups, at least it is legitimate. We are geared towards fighting cybercrimes, cyber terrorism, and even sexual trafficking through the internet,” aniya.
Sinabi ni Eleazar na ang advocacy groups at force multipliers ay “malaking tulong” sa paggananap ng PNP sa kanilang mga tungkulin.
“They help the police by reporting what is happening around them. We need their reports. We could do it alone but through them, we could be more effective in the delivery of services to the public,” pahayag ni Eleazar.
Samantala ay sinabi ni Pangasinan Police Provincial Office director Col. Ronald Gayo na ang nasabing mga grupo ay partners ng PNP sa paglaban sa mga iligal na droga, krimen, at iba pa.
Ang iba pang advocacy groups sa Pangsinan ay ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Kaligtasan Kalikasan, Global Peace Community Relations, Women at LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) groups, Foreign National Keepers Network, at Barangay-Based Groups.
(HA-PNA/PMCJr.-ABN)
July 5, 2021
July 5, 2021
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025