LINGAYEN – Isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (BM) sa Pangasinan ang labis na pinasasalamatan ng kanyang mga ka-distrito at mga tagasuporta dahil sa kanyang paglaan ng natatanging araw para sa kanila.
Ang tinaguriang “Aksyon Man Sa Serbisyo” ng Sangguniang Panlalawigan na si Hon. Vici M. Ventanilla ay naglaan ng “People’s Day” sa kanyang nasasakupang distrito upang mabigyan ng sapat na panahon at pag-aasikaso ang kanilang mga suliranin o hinaing para sa mabilis at agarang aksyon.
Kadalasan at karaniwang lumalapit na nagpapatulong sa kanya ay ang mga may sakit o karamdaman na salat sa buhay na walang maipantustos sa pagpapagamot at pagpapaospital. Maging ang mga biktima ng kalamidad, partikular na ang mga nasira ang tahanan sa panahon ng pananalasa ng mga bagyo, gayon din sa pagtulong sa mga mag-aaral at mga pangangailangan at pagsasaayos sa pampublikong paaralan at iba pang hinaing ng mga mamayan sa dahop at payak na pamumuhay ay bukas palad niyang inaabot at walang pag-aatubiling tinutulungan sa abot ng kaniyang kakayahan.
Ang source of fund ay galing sa CDF, at sa kanyang sariling bulsa na ayon sa kanya ay isang “pagpapala na mula sa Maykapal ang may kapasidad at kakayahang tumulong kalakip ang pang-unawa at pagmamahal sa kapwa.”
Ipinaaabot din ni Ventanilla ang kanyang pasasalamat sa lahat na nagtiwala at nagbigay ng pagkakataon sa kanya upang makapaglingkod sa kapwa sa larangan ng politika bilang bokal na ayon sa kanya ay mabilis at epektibong paraan upang makapaglingkod sa bayan kung gagawin ng matapat at walang hinihintay na anumang kapalit kundi ang pagtitiwala.
Dianne P. Palomar/Prisco de Guzman/ABN
December 16, 2019
December 16, 2019