Aktibidad sa Fire Prevention Month, nagsimula na

Inilunsad ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kanilang taunang programang “Fire Prevention Month” noong Marso 1, Miyerkules sa temang “Buhay at ari-arian pahalagahan, ibayong pag-iingat sa sunog ay sa sariling pamamahay simulan.”
Layunin nitong magbigay kaalaman ukol sa pag-iingat, preparasyon o pag-iwas sa maaaring maging sanhi ng sunog.
Sisimulan ang aktibidad ng Fire Prevention Month sa Marso 8, kasabay ng “A walk for a safe and fire free nation” na kung saan paparada ang mga opisyal, staffs, at volunteers ng nasabing ahensya.
Magsisimula ang parada bandang alas-singko ng umaga sa may Convention Center patungong SM, Session Road at magtatapos sa Kayang Street kung saan nakatayo ang gusali ng Bureau of Fire Protection-CAR.
“This is of course on fire safety awareness. It is more on awareness. Why is it on March? It is because sa month of March, as per history, yun ang pinakamainit na buwan ng taon, and so pag mainit ang panahon most probably doon maraming nangyayaring sunog. And then this is by virtue of proclamation of No. 115-A,” ayon kay Senior Police Officer 2 (SPO2) Camilo Balancia Jr., chief ng police information section ng BFP-CAR.
Kabilang sa iba pang aktibidad para sa Fire Prevention Month ang essay writing, photo, poster-making, at drawing contest sa iba’t ibang paaralan ng lungsod mula Marso 1 hanggang 7.
“On March 1-31 naman, merong TV at radio exposure, giving emphasis on the importance of fire safety and the within this period kino-conduct din ang mga ugnayan sa barangay, mga fire drill, inspections, at tska school visitations,” dagdag ni Balancia.
Inaasahan ni Balancia na makikiisa ang komunidad sa pagdaraos ng nasabing programa. Melanie Z. Dela Cruz, UB Intern / ABN

Amianan Balita Ngayon