Photo Caption: Nag-rally ang mga aktibista sa may Upper Session road patungong People’s Park upang mag protesta kay pangulong Bongbong Marcos sa pangalawa nitong SONA.
Photo by Lourdes Martin/ABN
BAGUIO CITY
“Ang tao! Ang Bayan! Ngayon ay lumalaban!”, isa ito sa mga katagang palaging sinisigaw ng mga rallysta nang sila ay nag-protesta ng kanilang hinaing na isinagawa sa People’s Park,Baguio City, noong umaga ng Hulyo 24. Nagsimula ang kilos protesta dakong alas 9:00 ng umaga nang mga alas sa Upper Session road bilang pag-umpisa ng kanilang programa ukol sa kanilang opinyon kay
Pangulong Bong Bong Marcos sa pinakauna nitong State of the Nation Address.
Ayon sa Secretary General ng ORNUS (Organisasyon dagiti Nakurapay nga Umili ti Syudad) at isa sa mga ulo ng kilos protesta na si Daisy Bagni, wala silang ibang layunin kundi iparating sa mga kinauukulan itong mga hinaing o legitimate demands ng mga ordinaryong mamamayan. Sinabi pa nito na dapat pag-igihan ng Pangulo ang kaniyang programa at serbisyo na dapat ang pangunahing
pinapauna nito ay ang mga mamamayang pilipino at wala ng iba.
Nakasaad sa kanilang programa na dapat pagtuunan ng pansin ang pagtaas ng sweldo ng manggagawang pilipino at ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin kagaya lamang ng bigas na siyang
pinangako ng Pangulo sa una nitong kampanya. Iminungkahi din nila na huwag alisin ang mga
traditional na jeep sa kalsada at bigyang pabor ang mga makabagong bus dahil ayon sa kanila ay mawawalan ng kabuhayan ang mga ordinaryong drivers o operators ng jeep kung bibigyang pabor
ang mga makabagong korporasyon ng bus na tumatakbo ngayon.
Isa din sa pangunahing layunin ng kanilang kilos protesta ay ang pagbigay diin na ipawalang bisa ng Pangulo ang Anti-Terror Law na ukol sa kanila ay isang batas na nagbabawal sa mga tao na
ipahayag ang kanilang karapatan bilang mamamayang pilipino. Sinabi nila na ang pagtalaga sa Anti-Terrorism Council gamit ang Anti-Terror Law ay panghuhusga na pakikipaglaban para sa
karapatan ng mamamayan, sa lupa, sa kanilang ancestral land, sa mga natural resources, sa batayang serbisyo at sa karapatan ay terrorismo.
Ito ang nangyari sa Four Leaders of the Cordillera People’s Alliance na nakasuhan bilang isang terrorista na walang basehan, arbitraryo, at walang due process na siyang palagi nilang sinisigaw sa
kanilang malaking pamamahayag na “Aktibista! Hindi Terrorista!”. Natapos ang kilos-protesta
dakong alas 11:00 ng umaga dahil sa limitadong oras na binigay sa kanila ng mga kapulisan para na rin sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kalsada.
Lourdes Martin-UC Intern/ABN
July 29, 2023
March 29, 2025
March 29, 2025
March 29, 2025
March 29, 2025
March 29, 2025
March 29, 2025