LUNGSOD NG BAGUIO – Hindi irerekomenda ni Mayor Benjamin Magalong na ibaba ang alert level ng lungsod sa Marso 1 na tinukoy ang kahalagahan na panatilihin ang ilang health restrictions upang maiwasan ang pagbalik ng coronavirus disease (COVID-19).
“While we are now in the process of gradually transitioning to the new normal phase, we do not want to rush it. We are easing up our protocols but we still need to retain certain public health restrictions to sustain our momentum. So ‘wag muna,” paliwanag ng mayor.
Sinabi rin ng mayor na hindi niya pinapaboran ang pagsantabi ng alert level classification sa bansa sa ngayon dahil kailangan pang siguruhin ng ilang sektor na lahat ng kinakailangang safety measures ay maayos at nakahanda bago gawin ito.
Sinabi niya na ang bansa ay nasa proseso pa ng pagbawi sa tuntunanng pangekonomiya at kaya naman kinakailangan na mag-ingat sa pagtanggal ng mga restriksiyon.
Gayunman sinabi niya na ang desisyon ay nakasalalay pa rin sa pambansang gobyerno base sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan.
“We will just wait for their decision and act accordingly,” aniya.
Ang lungsod ay kasalukuyang nagtratrabaho sa resiliency at recovery plan upang balangkasin ang pagbawi ng ekonomiya. Isang pandemic exit plan ang nililikha rin upang magsilbing gabay para sa lungsod sa dahan-dahang transisyon tungo sa bagong normal na yugto.
(APR-PIO/PMCJr./A.DUMLAO-ABN)
February 26, 2022
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025