AMIANAN POLICE PATROL

2 laborer, arestado sa pot session sa Baguio

BAGUIO CITY

Arestado ang dalawang construction worker makaraang mahuli sa aktong nag-pot session ng shabu
sa kanilang bahay sa Purok Tondo, Sto. Niño Brgy., Baguio City, noong Hunyo 20. Sinabi ng mga tauhan ng Station 2 ng Baguio City Police Office na sumagot sila sa ulat mula sa isang concerned citizen na may naganap umanong pot session sa bahay ng suspek. Kaagad na unaksyon ang pulisya sa nabanggit na lugar kasama ang mga kinakailangang testigo na sina Barangay Kagawad Melinda Cabaya, Brgy Sto. Niño Brgy., Baguio City; at kinatawan ng DOJ, si Prosecutor Sigrid Lacwasan-Canawil.

Kinilala ang susoect na si Enrique del Mundo Lucena, 58, tubong at residente ng 314-E Lower Magsaysay, Baguio City at Renato Coroña, 37, tubong Angeles Pampanga at residente ng #161 Purok Tondo, Sto Niño Brgy., Baguio City. Narekober sa mga operatiba ang isang plastic sachet ng
hinihinalang shabu na may timbang na 0.29 gramo na nagkakahalaga ng P1, 972.00; anim na pcs. ginamit na aluminum foil;12 pcs. mga plastic sachet na may puting crystalline residue ng hinihinalang shabu;dalawang lighter;isa gunting;isang tool box at isang pinagsamang hindi nagamit na aluminum foil.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 15 (Use), Section 11 (Possession of Illegal Drugs) at Section 12 (Possession of Drug paraphernalia) ng Art II ng Republic Act 9165.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon