AMIANAN POLICE PATROL

Farmer nasakote sa P864,000 iligal na drogasa Nueva Vizcaya

LA TRINIDAD,Benguet

Nasakote ng mga composite team ng Philippine Drug Enforcement Agency- Ifugao at Nueva
Vizcaya ang isang magsasaka at nakuhanan ng P864,000.00 halaga ng iligal na droga at drug paraphernalia sa buy-bust operation sa Paitan, Bayombong, Nueva Vizcaya noong Hulyo 7. Kinilala ng PDEA-Cordillera ang suspek na si James Baltazar, residente ng Naguillian, Isabela ay inaresto ng mga awtoridad matapos magbenta ng iligal na droga.

Nakumpiska sa operasyon ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit 30 gramo na may halagang P204,000.00; 5 brick ng tuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 5 kilo na nagkakahalaga ng P600,000.00; dalawang piraso ng half-bricked dried marijuana leaves na
tumitimbang ng 500 gramo na may halagang P60,000.00; at mga drug paraphernalia.

Nasa kustodiya na ngayon ng Bayombong Police Station si Baltazar habang inihahanda ang mga kaso laban sa kanya para sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon