Patuloy na programa upang mapababa ang rape cases sa Cordillera, tiniyak
BAGUIO CITY
Siniguro ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong at Regional Development Council-Corcillera
Development Administration and Good Government (DevAd) Committee Chairperson Benjamin Magalong ang pagpapatuloy ng mga programang binuo ng Regional Peace and Order Council (RPOC) upang mapababa ang rape cases na naitatala sa rehiyon. “We haven’t terminated our flagship project on the reduction of rape cases. Binabantayan namin ‘yan,” pagtitiyak ni Magalong.
Sa ulat ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-Cor) sa 3rd Quarter meeting ng DevAd Committee nitong Miyerkules (Agosto 16), lumabas na ikalawa ang panggagahasa sa pagnanakaw na may pinakamataas na kaso na naitala sa rehiyon sa ikalawang kwarter ngayong taon. Sa unang semestre ng 2023 ay nakapagtala ang Cordillera ng kabuuang 94 na kaso ng panggagahasa. Pinakamataas ang Benguet na may 24 na kaso na sinundan ng Baguio City na may 17 na kaso, at Kalinga na may 13 na kaso.
Mula sa naturang bilang, 48 ang nasa preliminary investigation, 29 ang dinidinig ng korte, siyam ang naibasurang kaso, anim ang tumangging magsampa ng kaso, at dalawa ang iniimbestigahan.
Ayon kay Police Regional Office-Cordillera Regional Operations Division Chief PCol. James Mangili, patuloy ang ginagawang hakbang ng pulisya upang mabawasan ang kaso ng rape sa rehiyon gaya ng pinaigting na advocacy campaigns at pagpapatupad sa best practices gaya ng Implan Pani-o o anti-rape campaign ng Ifugao PNP.
Nilinaw naman ni Prosecutor John Carlo Carantes ng Department of Justice na may affidavit of
desistance man o wala, ang isang biktima ng panggagahasa, kailangan pa ring maisampa ang kaso sa korte. “Whether or not there is an affidavit of resistance, the case should still be filed in court. Sa court po kasi, ide-determine ng judge if the resistance is freely given. Kung nag-affidavit of desistance siya on the police officer’s level, the police officer should still file the case before the prosecutor,” paliwanag ni Carantes.
Sinabi rin nito na naglabas na ng kautusan ang DOJ na nagmamandato sa mga prosecutor na
makibahagi sa case build-up ng mga heinous crimes, kabilang na ang rape. Ani Carantes, ito ay upang masiguro na mahatulan ang mga may sala at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
“Sa investigation with the law enforcement level, the prosecutors may be called upon by law enforcers to assist them in collecting pieces of evidence and case build-up.
To ensure conviction and the delivery of justice, the prosecutors are now required to assist for this officers in case build-up of rape cases,” si Carantes. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng pagsasanay ang DOJ kaugnay sa case build-up kung saan, ang mga partisipante ay mga prosecutors, police offices, mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency, at National Bureau of Investigation.
(DEG-PIA CAR)
August 19, 2023
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025