AMIANAN POLICE PATROL

P5.8M abandonadong marijuana bricks, narekober sa Kalinga

LUBUAGAN, Kalinga

Narekober ng mga pulis dito ang isang duffle bag na naglalaman ng marijuana bricks sa kahabaan
ng national highway sa Sitio Jangayoy, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga, noong Nobyembre 20. Sinabi ni Col.Freddie Lazona, provincial director ng Kalinga Provincial Police Office, na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company
na isang lalaking rider ng sport type XR 150 ang nag-abandona ng army duffle bag sa nasabing lugar.

Nang matanggap ang impormasyon, agad na tinungo ng mga operatiba ang lugar at narekober ang isang army duffle bag na bahagyang natatakpan ng mga dahon at sanga ng mga puno na naglalaman ng hinihinalang marijuana bricks. Isinagawa ang onsite inventory ng 49 piraso ng marijuana bricks na tumitimbang ng 49,000 gramo na may tinatayang halaga na P5,880,000.00.
Ang mga narekober na marijuana brick ay dinala sa Lubuagan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at dadalhin sa Kalinga Provincial Forensic Unit (PFU) para sa pagsusuri.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon