26 wanted person natiklo sa Cordillera CAMP DANGWA, Benguet
Sa isinasagawang manhunt operation, nasa 26 persons wanted ng batas, kabilang ang dalawang Most Wanted Persons, ang natiklo sa magkahiwalay na lugar sa rehiyon ng Cordillera, noong Pebrero 18 hanggang 24. Ayon kay Brig.Gen.David Peredo, Jr., regional director, batay sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), ang Baguio City Police Office ay nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto, na siyam na wanted person,sinundan ito ng Benguet Police Provincial Office na may walong arestado; Kalinga PPO na may limang naaresto; Mountain Province PPO na may dalawang arestado at Apayao PPO at Abra PPO na may tig-iisang arestado.
Ayon kay Peredo, sa patuloy na iba’t ibang preventive measures na ipinatupad na gaya ng police visibility, 57
munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at dalawang police station sa Baguio City ang nakapagtala ng zero crime incidents. Zero crime incidents ang naitala sa 22 sa 27 munisipalidad sa Abra; walo sa 13 munisipalidad sa Benguet; apat sa pitong munisipalidad sa Kalinga; sampu sa 11 munisipalidad sa Ifugao; walo sa 10 munisipalidad sa Mountain Province; at lima sa pitong munisipalidad sa Apayao. Bukod pa rito, sa Baguio City, Marcos Highway Police Station, at Naguilian Police Station ay nagtala rin ng zero crime incident sa 10 police stations sa lungsod.
Zaldy Comanda/ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024