FORT DEL PILAR, Baguio City
Pinangunahan ni Cadet 1CL Jessie Ticar Jr. bilang Topnocher mula sa Quezon City ang PMA Siklab-Laya (Sundalong Isinilang na Kasangga at lakas ng ating Bayan para sa Kalayaan) Class of 2025 sa pagtatanghal na isinagawa ng Philippine Military Academy, noong
Mayo 7. Ayon kay PMA Superintendent Vice Admiral Caesar Bernard Valencia, ang 1CL Ticar ay tatanggap ng Presidential Sabre Award mula kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa graduation rites sa Mayo 17. Si Ticar, 23, ay pararangalan din sa pagiging Summa Cum Laude at iba pang parangal tulad ng Jusmag Saber, Tactics Group Award, Natural Sciences Plaque, Army Professional Courses Plaque,
Army Saber, Australian Defense Best Overall Performance Award, General Antonio Luna Award, Humanities Plaque.
Si Ticar ang bunso sa tatlong magkakapatid na mahirap ang buhay dahil na-stroke ang kanyang ama na isang taxi driver, habang ang kanyang ina ay sidewalk vendor malapit sa Quezon City Hall. Nang makatapos siya ng senior high school, sumali siya sa PMA Entrance Examination at pinalad na makapasa. Si Ticar ay nagtapos hindi lamang bilang nangungunang kadete kundi bilang summa cum laude na may average na grade point na 9.52 porsyento. Siya ang ikaapat sa kasaysayan ng PMA na nakakuha ng summa cum laude status pagkatapos ng Cavalier Artus noong 2021 na may gradong 9.51, Cavalier Gaerlan noong 1995 na may gradong 9.38 at Cavalier Lorenzo noong 1997 na may gradong 9.32. Ang No. 2 Cadet 1CL Murthan Zabala, ng Cebu City, ay tatanggap ng parangal na Vice Presidential Saber at mga parangal tulad ng Academic Group Award, Management Plaque, National Security Studies Plaque, Spanish Armed
Forces Saber, Information Technology Plaque, Social Sciences Plaque.
Ang iba pa sa Top Ten ay si No. 3 Cadet 1CL Joana Marie Viray, ng Pasay City, na tatanggap ng parangal na Cum Laude, Best Australian Defense Performance, Philippine Navy Saber, SND Saber. No. 4 si Cadet 1CL Carlo Badiola, ng Camarines Sur; No.5 Cadet 1CL Jetron Giorgio Nazareno, ng Oriental Mindoro; No.6 Cadet 1CL Kobe Jo Ann Pajaron, ng Negros Oriental; No.7 Cadet 1CL Malvin Brian Dapar, ng Bohol; No.8 Cadet 1CL Elzur Salon, ng Nueva Vizcaya; No.9 Cadet 1CL Aprilyn Magsigay, ng Agusan del Sur at No.10 1CL Kristine Kate
Senados, ng Zamboanga Sibugay. Ang PMA Siklab-Laya Class 2025 ay may kabuuang 266 na kadete, na kinabibilangan ng 212 lalaki at 54 na babae.
(with reports from Jimmy Ceralde)
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025