ANG TUNAY NA AKTOR SA POLITIKA

Ang isang ‘politikal na aktor’ ay tumutukoy sa mga indibidwal o organisasyon, tulad ng mga partidong pampulitika at kandidato na gumagamit ng mga diskarte sa ‘marketing’ upang maimpluwensyahan ang opinyon ng publiko at makamit ang kanilang mga hangaring pampulitika sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa botante. Tulad ng mga Negosyo ay nagkakaroon ng mga diskarte sa marketing upang ibenta ang kanilang mga produkto, ang mga partidong pampulitika at mga kandidato ay tangkang itaguyod ang kanilang mga patakaran at paniniwala sa pamamagitan ng paggamit ng mga diskarte sa marketing upang maimpluwensyahan ang opinyon ng publiko sa kanilang pabor.

Ito ay kilala bilang ‘political marketing’ at maaaring bigyan-kahulugan bilang aplikasyon ng mga prinsipyo at pamamaraan sa marketing sa mga kampanyang pampulitika ng iba’t-ibang mga indibidwal at organisasyon, kabilang ang pamamahala at pagpapatupad ng mga madiskarteng kampanya ng mga kandidato at partidong pampulitika upang maimpluwensyahan ang opinyon ng publiko. Ang political marketing ay isang pangunahing bahagi din ng pampulitikang mundo at istraktura nito. Sa politika, ayon sa mga pag-aaral ng mga eksperto, lalo na sa mga pampulitikang kampanya, ang pananaliksik sa merkado (market research) ay ginagamit upang maunawaan ang mga kagustuhan at pangangailangan ng mga botante, kasama ang profile ng botante na ginamit upang makilala ang mga target na bahagi.

Samakatuwid, ang political marketing ay tungkol sa kung paano ginagamit ng mga pampulitikang piling magagaling ang mga kasangkapan sa pagbebenta at diskarte upang maunawaan at makihalubilo sa kanilang pampulitikang merkado upang makamit ang kanilang mga layunin, ang pangunahin dito ang pagkuha ng mga boto upang mahalal. Isa pa, ang mga partidong pampulitika ay nakabuo ng mga diskarte sa komunikasyon na kabilang sa corporate at mundo ng negosyo, kabilang ang mga diskarte sa marketing, upang maimpluwensyahan ang mga pag-uugali na sinasabing ang politikal na pagmemerkado ay katulad din ng komersyal na pagbebenta sa isang antas na ang mga pampulitikang organisasyon tulad ng mga nasa commercial sector ay dapat target ang mga madla gamit ang mga mass communication channels sa isang mapagkumpitensyang kapaligiran kung saan mamamayan o mamimili ay may higit sa isang pagpipilian.

Ayon pa sa mga pag-aaral, ang political marketing ay itinuturing na isa sa mga pinahigpit na mga aplikasyon ng pampulitikang komunikasyon, dahil prayoridad ito sa kampanya sa halalan at iniimpluwensyahan ang istratehiya nito, lalo na sa pagpuntirya ng aksiyon para sa “flexible” na mga botante, at mahalaga rin ito para sa proseso ng paggawa ng desisyon ng isang kampanya. Isa pang nauusong istratehiya sa mga kampanya ay ang pakikipag-usap sa personal ng mga politiko sa pamamagitan ng mga libangang palabas na sumasayaw, nagbibiro at kumakanta upang gumamit ng isang paraan ng pinasiglang emosyon ng komunikasyon ebolusyunaryong idinisenyo upang isulong ang panlipunang pagbubuklod sa isang grupo o lebel.

Lalo pang nabahiran ang kampanya sa mga pang-telenobelang pagdra-drama ng mga tumatakbong kandidato at ang mga pakitang-tao (kaplastikan) na pakikitungo at pakikisalamuha sa mga botante. Hindi na halos natin makilala kung sino sila talaga, ang tunay nilang pagkatao habang nangangampanya dahil sa galing na nilang mag-artista. May pabida, pa-action star, singer, dancer, komedyante – na nagmumukha na silang payaso sa katotohanan. Marami ng aktor ang nakapasok sa politika at sa gobyerno. Hindi natin nilalahat subalit
karamihan ay wala o hindi sapat ang naimbag sa ikabubuti ng bansa. Mabibilang lang ang tunay na naglingkod at marahil maglilingkod pa. Ang tunay na “political actor” ay ang actor na gumaganap sa kapakanan ng bansa at hindi para sa pansariling kasikatan lamang. Mayroon tayong lumang kasabihan na: “ang politika ay isang teatro para sa mga pangit na tao”. Huwag sana nating hayaang mangyari ito.

Amianan Balita Ngayon