CAMP DANGWA, Benguet
May kabuuang P38,486 halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya mula sa anim na drug
personalities sa magkakasunod na buy-bust operation na isinagawa sa Cordillera. Apat na drug personalities ang arestado sa pinakahulig drug operation na isinagawa sa iba’t ibang lalawigan ng
Cordillera noong Agosto 14. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Exel Gandeza Baro, 43; Juvina Osud Baro, 49 at Rolly Navia Alban, 41, kinilala bilang Street Level individuals (SLI); at Ryan Pajardo Carino, 41, kinilala bilang High Value individuals (HVI).
Sa Abra, ang mga suspek na sina Exel Baro at Juvina Baro ay inaresto ng magkasanib na operatiba ng Abra Police Provincial Office at Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15) matapos na
magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na humigitkumulang 0.16 gramo ang bigat na may Standard Drug Price na P1,020.00 sa isang police operative na nagsisilbing poseur buyer. Sa kanilang pag-aresto, narekober mula sa possession ng suspek ang isa pang 0.16 gramo ng hinihinalang shabu na may SDP na P1,020.00.
Sa Benguet, inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Benguet Police Provincial Office, Regional Intelligence Division (RID), at PDEA-CAR ang suspek na si Carino matapos itong magbenta ng
isang sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 0.37 gramo ang bigat na may SDP na P2,516.00. Gayundin, sa Baguio City, ang suspek na si Alban ay nahuli ng magkasanib na operatiba ng City Drug Enforcement Unit, BCPO Camdas Police Station, City Intelligence Unit (CIU), at RIDCOR matapos itong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 1.87 gramo. na may SDP na nagkakahalaga ng P12,375.00.
Noong Agosto hanggang 12, dalawang High-Value Individuals (HVI) ang nalambat matapos silang mahulihan ng kabuuang 3.17 gramo ng hinihinalang shabu, na may kabuuang Standard Drug Price
(SDP) na P21,555.00 . Ibinunyag sa parehong ulat na dalawang (2) suspek ang naaresto sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operations na isinagawa ng Baguio City Police Office (BCPO) at ng Benguet Police Provincial Office (PPO). Kinilala ng mga operatiba ang mga naarestong drug
personalities na sina Edward Oximana Neri, 34 at Michael Agsicio Dilan, 28.
Zaldy Comanda/ABN
September 29, 2023
September 29, 2023
September 29, 2023
September 29, 2023
September 29, 2023
September 29, 2023