BAGUIO CITY – Hindi nakapalag ang anim na high value drug personalities nang masopresa sila sa isinagawang search warrant operation ng mga tauhan ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa magkahiwalay na lugar sa siyudad ng Baguio.
Ayon kay Col. Glenn Lonogan,city director ng Baguio City Police Office, kinasuhan na ng paglabag sa Republic Act 9165 ang mga suspek na sina Judith Cortez, 41,ng Purok 11, Upper Pinget, Baguio City; Carla Sacyat Tandingan, 23, ng La trinidad, Benguet; Manuel Orijas Doro, 46,ng Green Water, Baguio City; Cristian Baras Sevillano, 32,ng Quirino Hill, Baguio City; Annalyn Alipar Bernardino, 40,ng Quirino Hill, Baguio City at Villanuevo Valenzuela, 36,ng Barangay Loakan Prper,Baguio City.
Ayon kay Lonogan, isinagawa ang search warrant operation sa bahay ni Cortez sa No. 78 Purok 11, Upper Pinget, Baguio City, na hinihinalang tagpuan ng mga drug personalities noong Mayo 28 at nahulihan ng sampung pirasong heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 10 gramo ng shabu na may halagang P68,000.00.
Nakuha din sa lugar ang assorted drug paraphernalia consisting of used aluminum foils, improvised tooter, plastic sachet, lighter, weighing scale, at apat, na cellular phones.
Sa hiwalay na operasyon, hindi rin nakapalag si Valenzuela sa search operation sa kanyang bahay at nakuha sa kanya ang tatlong plastic sachets ng shabu na may timbang na 1.5 grams at may halagang P10,200.00; nine empty bullet shells; isang live ammunition at isang and hard object wrapped in brown masking tape suspected as a hand grenade.
Zaldy Comanda/ABN
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025