BAGUIO CITY
Arestado ng mga operatiba ng Regional Anti-Cyber Crime Unit (RACU)-Cordillera ang dalawang indibidwal na
nakalista bilang Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operations noong Enero 16 at 17. Kinilala ni RACU Chief Col. Ma.Theresa Guinto-Pucay, ang mga nadakip na sina Roland Cerico Araojo, 46 at Danica Dela Cruz Valdez, 21, na nakalista bilang No. 1 at No. 2 MWP ng RACU Cordillera, ayon sa pagkakasunod.
Si Araojo ay nasakte noong Enero 16 sa Dasmariñas City, habang ang suspek na si Valdez ay naaresto noong Enero
17 sa Malolos City, Bulacan. Ang dalawang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Ivan
Kim B Morales, ng Branch 59,Regional Trial Court, Baguio City dahil sa Violation of Access Devices Regulation Act of 1998 (Credit Card Violation Act) na inamyendahan ng RA 11449.
Pinuri ni Pucay ang mga tauhan ng RACU COR sa agarang pagpapatupad ng mga arrest warrant kaugnay ng mga
paglabag sa Anti-Cybercrime Prevention Act. Patuloy niyang pinapaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa online, dahil ang mga cybercriminal ay madalas na gumagamit ng mga nakakaakit na alok na mukhang napakahusay para maging totoo para akitin ang mga indibidwal sa mga ilegal na aktibidad.
ZC/ABN
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025