LUNGSOD NG BAGUIO – Isang linggong Antigen self-test program ang ipapatupad sa Atab, Loakan, Irisan, Asin, City Camp at Pacdal health districts simula Enero 24, Monday, matapos ang pilot simulation sa tatlong health districts noong Enero 12, 13 at 14.
Ito ang inihayag ni Dr. Donabel Tubera-Panes, pinuno ng Health Services Office City Epidemiology and Surveillance Unit (HSO-CESU) Huwebes (Disyembre 20) noong nakaraang linggo. Maaaring bilhin ng mga interesado ang kumpletong selftests na nagkakahalaga ng PhP280 sa mga nasabing barangay hall, na gagawin ang proseso sa health centers.
Ang testing ay gagawin sa loob ng oras ng opsina, na may mga booth para dito, sa parehong mga lugar.
Maaaring iuwi sa bahay ang mga kit para sa self-testing o maaaring ma-swab ang tao sa testing booths na may health personnel maaaring sa barangay hall ng health district.
May nakahandang video instructions at may print out instructions na kasama sa kit. Kailangang ibigay ang accomplished tests sa processing center sa loob ng dalawang oras, na may tamang marka at lalagyan. Ang mga resulta ay maaaring sa pamamagitan ng isang text message o print out results. Ang wastong bio-waste disposal ay gagawin ng city health personnel, ito ang sinigurado.
Ang pinakamababang considerable at abot-kaya na presyo para sa mga test kit ay ipinakiusap ng lungsod para sa mga residente ng lungsod upang matiyak ang mga positibong kaso sa kanilang mga barangay, sa lalong madaling panahon.
Ang self-testing ay ginagawa upang agad na matukoy at ma-isolate ang mga positibong kaso ng COVID-19, ayon kay Mayor Benjamin Magalong sa isang panayam. Ang mga kasong natuklasang positibo ay ikinokonsiderang laboratory-confirmed, kahit mayroon o walang clinical signs o mga sintomas.
Binanggit ni Dr. Tubera ang mga suspected o probable Covid-19 cases na nagpositibo gamit ang antigen sa mga lugar na may outbreak sa mga malalayong lugar. Ginagamit ang Antigen tests hanggat natutugunan nito ang recommended minimum regulatory, technical and operational specifications nba itinakda ng Health Technology Assessment council (HTAC).
Sa 16 city health districts, nakita ang mataas na bilang ng mga kaso ng COVOD-19 sa Atab – 3,639; Loakan, 3,144; Irisan, 2,326; Asin – 1,791; City Camp – 3,074; at Pacdal – 1,386.
Ayon sa mayor, tila may biglaang pagtaas ng mga kaso sa loob lamang ng isang linggo, bagaman nananatiling mababa ang bilang ng mga malubha at kritikal na kaso. Bagaman may mga taong nangangailangan ng oxygen at mga medisina, ang bilang ay nasa minimum scale, ani Mayor Magalong.
Isang drive-through antigen self-test ang ikinokonsidera at sumasailalim sa proseso ng pagaaral.
Ang proseso ay parang sa drive-through-vaccination, ngunit ang mga resulta ay makukuha sa mas matagal na oras; o sa loon ng isang oras nang maisumite ang specimen.
Kasalukuyang pinagdedesisyunan ng mga awtoridad sa kalusugan ang mga detalye ng proseso, lugar, schedule, at manpower kung kinakailangan.
(JGF-PIO/PMCJr.-ABN)
January 23, 2022
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025