Apat na benificiary ng DSWD, huli sa “TONG-ITS”

BAGUIO CITY – Isang miyembro ng 4P’s (Pantawid) at isang recipient ng Social Amelioration Program (SAP), sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at dalawa pang aplikante ang dinakip ng pulisya,matapos mahuling nagsusugal na “tongits” sa Barangay Irisan, siyudad na ito.
Sa ulat ng Station 9 ng Baguio City Police Office, nakatanggap sila ng reklamo mula kay Barangay Tanod Elmer Battalier, kaugnay sa ginagawang sugal sa No. 190 Lower Cypress,Barangay irisan Baguio City.
Ang na nagsiyasat ang mga pulis at naaktuhan ang apat na katao na naglalaro ng tong-its na nakilalang Rubie-an Ubanan,40; Maribel Tacud, 50; Christina Villa, 41 at Roque Jardinjico, 47.
Ayon sa impormasyon, si Tacud ay miyembro ng 4Ps at si Jardinjico ay beneficiary ng DSWD SAP, samantalang sina Rubie-an Ubanan at Villa ay aplikante din ng SAP.
Ang kasong paglabag sa PD 1602 (playing Cards Tongits) at paglabag sa umiiral na Enhance Community Quarantine ay inihain kay duty Prosecutor Nemia Peralta para sa inquest proceeding at iniutos nito ang detention ng mga suspek sa Baguio City Jail.
Ang kaso ay isinampa ng pulisya noong Miyerkoles sa City Prosecutor’s Office.
“ Am so sad about it since we are trying to mobilize everyone to reach them out para matulungan and only find out na naka relax, gambling and drinking at not cooperating in this time of crisis. Sila pa ang hindi sumusunod sa order ng gobyerno,” ayon kay Betty Fangasan, head ng City Social Welfare and Development Office.
Aniya, inatasan na niya ang kanyang tauhan na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon para sa legal na aksyon sa status ng mga suspek na may kaugnayan sa ginagawang progma ngayon ng pamahalaan para matustusan ang pangangailang pagkain habang nasa krisis ng COVID-19.
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon