TABUK CITY,Kalinga – Apat na kabataan na pawang maysakit ang hinandugan ng pulisya bilang selebrasyon sa kanilang ipinagdidiwang na class anniversary noong Hulyo 9. Ang Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC)
PANATABAK AT MATAGILA Class 2015-2, na nakatalaga sa Kalinga Provincial Police Office ay nagdiwang ng
kanilang ika-pitong taon anibersaryo at nagdiwang sa pamamagitan ng outreach program sa bayan ng Rizal at
Tabuk City.
Gamit ang nalikom na pera mula sa kanilang ambagan, ang mga miyembro ng nasabing class ay nakapagbigay tulong sa kanilang apat na benepisyaryo. Ang kanilang unang benepisyaryo ay isang 10 taong gulang na bata na residente ng Barangay Gobgob, Tabuk City,Kalinga. Ang bata ay na-diagnose na mayroong Cerebral Palsy, na
niregaluhan ng isang wheelchair at mga sari-saring grocery items mula sa nasabing class. Ang kanilang ikalawang
benepisyaryo ay isang 16 years old na residente ng Barangay Santor,Rizal, Kalinga. Dahil sa na-diagnose na
may Congenital Heart Disease, ang class ay nagbigay ng pang-maintenance na gamot na tatagal sa loob ng anim na
buwan.
Siya rin ay niregaluhan ng isang karton na may lamang sari-saring grocery items. Ang dalawang magkapatid na residente pa rin ng Barangay Gobgob ang kanilang pangatlo at pang-apat na benepisyaryo. Dahil sa may
pangangailangang medikal, ang class ay nagbigay ng cash assistance at sari-saring grocery items at prutas para sa
magkapatid.
Zaldy Comanda/ABN
August 13, 2022
August 13, 2022