APAT NA SWINLDER NADAKIP SA ENTRAPMENT OPERATION NG BCPO

BAGUIO CITY – Arestado ang apat sa anim na katao na pinaniniwalaang online scam syndicate sa entrapment
operation ng Baguio City Police Office, sa tulong ng Criminal Investigation and Detection Group-Pampanga, sa Total Gas Station, Integrated Terminal , Dau, Mabalacat, Pampanga. Ayon kay Col Glenn Lonogan, city director ng BCPO, kinasuhan na nila ang apat na suspek ng paglabag sa Sec 2, (a) of Art. 315, ng Revised Penal Code (Swindling) at
Section 4, (5), (i)(AA) ng Republic Act 10175 “Cyber crime prevention Act of 2012.

Kinilala ang mga naaresto na sina Kate Abigail Cortez, 29, residente ng No. 333 Bayani Street, San Juan, Apalit,
Pampanga; Mark Jayson Cadaro Diaz, 28, residente ng No. 16 Sto Nino Street, Paranaque City; Darwin
Mendoza Calilong, 41; residente ng 6 Street Sto Nino, Paranaque City at Rodrigo Dizon Luis, 40, residente ng No. 5362 , 21Street, Sto.Nino Paranaque City.

Ayon kay Lonogan, kasalukuyang inalis ang pangalang Clara at alyas Nathaly na hinihinalang may plano sa kanilang modus. Ang operasyon ay batay sa reklamo ni Lani Martinez, senior sales associate ng Alu General Merchandise na
matatagpuan sa Barangay Camdas, Baguio City, noong Agosto 12. Sa salaysay ni Martinez, nakipagtransaksiyon sa kanya ang suspek na nagpanggap na si Clara Suarez at nagpakilalang buyer ng Tress Maria’s Construction
Company mula sa probinsiya ng Lucena.

Dahil sa tiwala, kabuuang P637,310.00 na suplay ng kuryente ang nakuha sa iba’t ibang transaksyon mula sa iba’t
ibang petsa sa unang linggo ng Agosto 2022. Ayon kay Martinez, binayaran siya ng cash deposit kung saan ipinakita ng suspek ang machine validated deposit slip na ipinadala sa pamamagitan ng cellular phone bilang ebidensya ng
mga transaksyon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon