APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Oct 2, 2022

Motibo: Land dispute

BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa
isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen Miyerkules Setyembre 28. Kinilala ni Col.Maly Cula, provincial director ng Abra Provincial Police Office, ang mga nadakip na sina Sonny Boy Gandeza Tullas, 31, construction worker at residente ng Cabaroan ,Tayum ,Abra ; Abelardo Talape,42,traffic
enforcer, ng Patucannay,Tayum,Abra; Aldrin Alagao,alyas Bull at Rommel Paa,alyas Ambong.

Napag-alaman na si Tullas ay driver ng gunman na si Paa,samantalang si Alagao ay nagsilbing loot-out at middleman naman si Talape. Ayon kay Cula, malaking tulong ang CCTV footage sa lugar,kaya’t agad isinagawa ang hot pursuit operation na ikinadakip ni Tullas na umano’y driver ng gunman dakong alas
10:00 umaga sa Tayum, Abra na gamit ang motorsiklo na nakita sa CCTV. Dakong alas-5:00 ng hapon
ng araw din iyon, ang mga tauhan ng Sallapadan MPS sa pangunguna ni Pat Melchor Cariño na naalarma aay nagsagawa ng checkpoint sa Sitio Gangal, Poblacion, Sallapadan, Abra kaugnay ng isinagawang hot pursuit. para sa posibleng pagdakip sa mga suspek.

Pinahinto nila ang isang motorsiklo minamaneho ni Talape, na akma sa paglalarawan ng motorsiklo na ginamit ng mga suspek sa oras ng insidente. Positibong kinilala ni Cariño at mga tauhan ng Sallapadan
MPS si Talape, bilang isa sa mga persons of interest (middle man) at ito ay kanilang dinakip. Noong Setyembre 29, dakong alas 9:30 ng umaga, sa pamamagitan ni Punong Barangay Ilarde Jacquias, ng
Barangay Cabaroan, Tayum, Abra, ay kusang-loon na sumuko si Alagao sa mga tauhan ng Bangued MPS at nagsagawa ng Extra Judicial Confession na tinulungan ni Atty. Hamilcar P Bigornia.

Ang araw din iyon, Setyembre 29, nadakip ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit ng Abra PPO si Paa sa Barangay Cabaroan, Tayum, Abra. Batay sa mga testimonya ng mga naarestong suspek, ang
motibo ng insidente ng pagpatay ay naging alitan sa lupa sa maliit na pag-angkin sa pagmimina at
personal na lumang sama ng loob. Dakong alas 8:45 ng gabi ng isampa ang criminal complaint for
violation of Article 248 of the Revised Penal Code “Murder” laban sa mga suspek sa Office of the Provincial Prosecutor, Bangued, Abra.

Matatandaan noong umaga ng Setyembre 28 ay lulan ng kanyang motorsiklo si Rudy Steward Dugmam Sayen, 38, kilala rin bilang “Estee Saway,” single, ng Zone 4,Bangued,Abra para pumasok sa kanyang
trabaho sa Suyo National High School sa Pidigan, Abra. Bagama’t alerto sa pagmamaneho ay hindi
namalayan ng biktima na nakasunod ang suspek na lulan din ng motorsiklo. Bumunot ng baril ang
gunman at pinaputukan ang biktima nang nasa harap isang carwah station sa may Abra Ilocos Sur Road, Barangay Lipcan, Bangued, Abra, dakong alas-7:50 ng umaga.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala si Sayen at isinugod ng nagrespondeng tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company ang biktima sa Abra Provincial Hospital dito kung saan idineklara itong patay ni Dr.
Louie Jon Enerva.

Zaldy Comanda/ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest