BAGUIO CITY
Naging matagumpay ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan 2025 na may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” na ginanap sa
Baguio Convention Center. Nagsimula ang programa sa makulay na pag-awit ng SLU Glee Club. Dumalo sa pagdiriwang ang mga opisyal ng lungsod, mga hepe ng departamento, Boy Scouts at Girl Scouts, mga beterano ng lungsod. Nagpakita rin ng talento ang SLU Center for Culture and the Arts sa kanilang natatanging pagtatanghal. Sa mensahe ni Mayor Benjamin Magalong, binigyang-diin niya ang tunay
na kahulugan ng kalayaan.
Aniya, hindi lamang ito tumutukoy sa pagiging malaya mula sa mga dayuhang mananakop, kundi pati na rin sa pagiging malaya mula sa pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan. Idiniin din niya ang kalayaan mula sa katiwalian, korapsyon, at kawalan ng katarungan. “Kapag nangyari ito, sigurado ako na matutugunan ang kahilingan sa pagkain, trabaho, imprastruktura, pangangailangang medikal, at iba pa,” ani Mayor Magalong. Naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Baguio, na nagbigay-pansin sa kahalagahan ng tunay na
kalayaan at pagkakapantay-pantay para sa lahat.
Millard Jude Omar V. Gregorio/ UC-Intern
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025