Ibinulgar ng bente siyete anyos na umanong bugaw ng isang kontrobersyal na alkalde ng isang syudad ng Pangasinan ang kahalayan ng
lokal na opisyal. Bukod sa nais linisin ang pangalan sa paratang na ang bugaw mismo at “girlfriend” na rin ng alkalde, may pagbabanta na umano sa kanyang buhay kung hindi mapagtakpan ang gawain ng ‘playboy” na opisyal. Hindi kayang itanggi ni “playboy-official” na 11 babae ang ibinubugaw at gumagastos ng higit-kumulang P500,000.00 bawat buwan. Buti kung mula sa bulsa nito ang pinagkukunan, ngunit mula umano ito sa kaban ng ayuda para mga namatayan at iba pang ayuda ng LGU para sa mga mamamayan.
Inilahad ng lumutang na bugaw na minsa’y tatlo mula sa 11 babae ang pinakuha sa isang apartment at nag “four-some” sila. Nang natunugan ito ng asawa’y, tumalon ang alkalde sa bintana upang makatakas mula sa nagpupuyos sa galit na misis. Ngunit naabutan ni
mayora ang isa sa mga babaeng nakipag-“foursome” sa alkaldeat ipunukol ang lumalagablab na galit nito. Nagpang-abot daw
kalaunan si misis at ang alkalde. Kinabukasa’y, pipilay-pilay si “playboy-official” na pumasok sa opisina. Ayon pa sa bugaw, tuwing Martes at Biyernes ng hapon nagpapakuha sa kanya si “playboy-official” ng babae. Minsan, mismong sa opisina pa nangyayari ang kahalayan.
Inamin ng bugaw na dahil sa kapos ang pagkakitaan noong pandemya, pinasok ang pagbubugaw ng mga babae sa alkalde dahil P50,000 ang pabuya. Madalas P5,000 ang cut ng bugaw sa P15,000 bawat alaga nitong dinadala sa “playboy-official”. Sa mga rebelasyon ng bugaw, karapat-dapat lamang na umabot ito sa Ombudsman upang magkaroon naman ang alkalde ng pagkakataong pasinungalingan o
patotohanan ang ibinulgar ng bugaw, lalo’t naisasangkot ang paggamit sa kaban ng LGU sa gawain nito. Karapat-dapat na malaman ng mamamayan ang buong katotohanan!
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025
May 3, 2025