BABAE MAN O LALAKI, PANTAY AT PATAS LAHAT NG BAGONG PILIPINAS

Ngayong buwan ng Marso 2024, and pamahalaan at ang Philippine Commission on Women ay naglunsad ng mga
aktibidad para sa mga kababaihan sa ilalim ng temang theme “2024 National Women’s Month: Lipunang Patas sa
Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!” Ilan sa mga programa para sa Buwan ng mga Kababaihan ay ang:

– Mga dayalogo na pinangungunahan ng Philippine Commission on Women, SM Supermalls and UN Women
– Radio plugs sa pagkilala sa karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan
– JuanaSays daily inspirational statements of women
– #WEcanbeEquALL online campaign/hashtag
– At ang 2024 NWM Celebration digital sticker pack Kitang kita naman na ang mga program ng pamahalaan ay para sa kapakanan ng bawat Pilipino, babae man o lalaki, para makamtam ang totoong kapayapaan, kaunlaran, at
pagkapantay-pantay. Lingid sa ating kaalaman na pilit pa ring sinisira ng CPPNDF-NPA ang mga programang ito ng pamahalaan at pinipilit ang seksismo, patriyarka, misohinya at hindi pagkapantay-pantay ng babae sa lalaki sa ating lipunan.

Pilit pa rin nilang sinasabi na may karahasan sa komunidad, paglabag sa mga Karapatan ng kababaihan, at panganib sa kababaihan at mga bata. Ngunit may nagawa na ba sila upang protektahan ang Karapatan, hindi lamang ng mga kababaihan pati na rin ang mga kalalakihan? May nagawa na ba sila upang isulong ang pagkapantay-pantay ng babae at lalaki? Ang hirap sakanila ay dinadaan nila sa dahas at sa pag-rally ang kanilang mga saloobin. Tuwing may maingay sa kalsada at nagra-rally puro kababaihan at kabataan ang nakikita.

Bakit hindi na lamang sila mag-aral sa paaralan o suportahan ang mga programa ng pamahalaan tungo sa kapayapaan at kaunlaran. Hindi politika, dahas, komunistang pag-iisip, at pag-rally ang sagot sa mga problemang ito. Ako, bilang tagapamahala, kasama ng iba pang miyembro ng Nagkakaisang Samahan Para sa Kapayaan at Kaunlaran ay natutuwa sa mga nakalinyang program ng pamahalaan para sa Buwan ng Kababaihan.

Makikita sa mga ito na tunay ngang isang pandaigdigang selebrasyon at pagkilala sa Karapatan, hindi lamang ng mga kababaihan kundi pati na rin ng mga kalalakihan.  Tunay ngang pantay ang lahat sa Bagong Lipunan ng ating mahal na Presidente. Sana ay huwag tayong mabulag sa kasinungalingan ng CPP-NDF-NPA kundi ay suportahan ang pamahalaan tungo sa kapayapaan, kaunlaran, at pagkapantaypantay. BABAE MAN O LALAKI, PANTAY AT PATAS LAHAT SA BAGONG PILIPINAS!

Cristina Catbagan

Amianan Balita Ngayon