Babae tulak ng illegal na droga timbog

BAGUIO CITY — Isang babaeng tulak di umano ng iligal na droga ang nasakote ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa bisa ng isang search warrant noong Disyemre 7, 2021 sa barangay Fairview ng Lunsod na ito.
Nahuli ang suspek na si Cristina Gestapo Layang, 33 anyos ng barangay Fairview ng Baguio City sa kanyang tinitirahang bahay ayon kay Brig. Gen. Ronald O. Lee regional director ng PRO-COR.
Sa isinagawang paghahalughog sa kanyang tirahan ay nakita ng mga kapulisan ang 10 plastic sachet na may lamang shabu diumano na may timbang na 5 gramo na nagkakahalaga ng P34, 000.00 base sa Standard Drug Price (SDP). Nakumpiskan rin mula sa suspek ang ilang gamit sa droga.
Naging saksi rin sina Baguio City Prosecutor Oliver Prudencio at Kagawag Richard Jimenez ng Barangay Fairview Bridgitte Marcasi bilang kinatawang ng local na media sa isinagawang inventory sa mga nakumpiskang iligal na droga at mga drug paraphernalia.
Dinala naman ang suspek sa Baguio City jail upang ikulong at panagutin sa kanyang kasong pagbebenta ng iligal na droga. Napagalaman din na ang suspek ay nahuli noong Agosto 4, 2019 sa pagbebenta rin ng iligal na droga ngunit ito ay nakapag piyansa sa kanyang panandaliang Kalayaan.
Nasa listahan din diumano ng Regional Top Ten Illegal Drug Personalities ang nasabing suspek.
Sa ngayon ay muling sinampahan ng kasong violation of RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, o pagbebenta ng bawal na droga.
(RTTIDP) of PROCOR)

Amianan Balita Ngayon